Dawn nakikipagsabayan sa pagbibida ni Gerald

Nakapanghihinayang na hindi natuloy si Maricel Soriano na gampanan ang role ng ina ni Gerald An­derson sa Bukas Na Lang Kita Mamahalin. Lubhang napakaganda ang role at kahit mother role ay kasing bigat naman ng role  ng gumaganap ng anak niya.

Masuwerte si Dawn Zulueta kahit na sabihing second choice lamang siya da­hil naipapamalas niya ang kanyang kaga­lingan sa pag-arte. Baka kung sa iba napunta ang role ay hindi ganun kasid­hi ang maging performance dahil nga ina lang siya ng bida. Pero with Dawn’s talagang ini-level up niya ang kanyang acting kung kaya dalawa na silang bida ni Gerald sa serye. Kailangan gumawa ng estratehiya niya si Dina Bonnevie para hindi siya mapag-iwanan nina Dawn at Gerald, pero talagang ang pagiging kontrabida ay mahirap pumantay sa role ng bida. Kailangang makuntento ni Dina na gaano man siya kahusay sa kanyang role, pabibigatin lamang niya ang roles ng mga kinokontrabidahan niya.

Career ni Toni nanganganib kay Alex

Bigla naman akong nalungkot na ang dalawa sa pinakapaborito kong contestants sa The Voice of the Philippines ang siyang magiging magkalaban sa susunod na linggo. I’m referring to Radha and Mitoy, na mga protégé ni Coach Lea Salonga na hindi maaring parehong manalo dahil nga isa lang sa kanila ang magpapatuloy after next week.

Wala si Toni Gonzaga at sa halip ay ang kapatid niyang si Alex ang naging host ng show. In fairness, nagawa naman ng ma­ganda ng dating taga-TV5 ang trabaho niya. Kung ako si Toni ay hindi ako mag-a-absent sa mga hosting job ko lalo’t andun si Alex dahil baka mapansin na magaling din ito at puwedeng makapalit niya. Baka kumonti ang trabaho niya.

Julie Ann walang paki sa pagkawala ni Elmo

Sinabi ni Julie Ann San Jose na hindi naman titigil ang career niya o buhay, dahil lang tumangging makapareha siya ng ka-love team niyang si Elmo Magalona.

“May dahilan siguro kaya tinanggihan niya ang role sa teleserye, pero kung ano man ‘yun ay ayaw kong malaman, sa kanya na lang yun,” anang singer na isang malaking tagumpay ang unang album.

Hindi rin siya nanghihinayang na hindi sila magkatambal sa Kahit Nasaan Ka dahil isang magaling na kabataang aktor ang pumalit dito, si Kristoffer Martin at ang dating role na naka-assign naman dito ay napunta kay Lucho Ayala.

Confident si Julie Ann na hindi sila magkakaroon ng problema ni Kristoffer o kaya ay ng girlfriend nito si Joyce Ching. Aware siya na ilang beses na ring ipinareha ang young actor sa iba, pero never na­balitaan na nakialam o nanggulo ang karelasyon nito. Nabalitaan nga niya na si Krsitoffer pa ang gumagawa minsan ng paraan para maging close si Joyce sa mga nakakapareha nito, lalo’t mga kaibigan niya.

 

Show comments