Aktor biglang natakot magpa-interview, na-realize na walang silbi ‘pag nagsalita pa

Nag-back out ang aktor sa isang interview na tinanguan niya. Na-realize siguro ng aktor na pointless na magsalita pa siya tungkol sa mga problema nila ng kanyang asawa dahil nasa korte na ang mga kaso.

Kung magsasalita ang aktor, siguradong sasagot ang kanyang misis na palaban at walang inuuru­ngan. Baka may nag-remind sa aktor na there is peace in silence at para hindi na lumaki pa ang isyu na pinagpipistahan ng mga mahihilig sa showbiz scandal.

Enzo takot malait

Ipapakita ni Enzo Pineda ang kanyang kaseksihan sa mga eksena niya sa Dormitoryo. Masipag si Enzo sa pagpunta sa gym para mag-exercise dahil swimmer ang role niya sa Sunday afternoon drama show ng GMA 7 na magsisimula sa Sept. 22.

May mga eksena na required si Enzo na maghubad dahil walang swimmer na nakasuot ng T-shirt habang nagtatampisaw sa swimming pool. Pinaghandaan ni Enzo ang mga eksena para hindi lait-laitin ng televiewers ang kanyang topless scenes. Topless talaga o!

Young actor namimiligrong mawalan ng trabaho, mga magulang sobra na ang kaepalan

Hmmm, may tsismis na matatagalan o baka hindi na mabigyan ng bagong TV show ang isang young actor dahil sa kanyang mga pakialamerong magulang.

Ang production staff ang witness sa pagiging maepal o mapapel ng mga magulang sa tuwing may taping ang young actor para sa teleserye na kinabibilangan niya.

Ang feeling ng mga magulang, sikat na sikat na ang kanilang anak na namana raw sa tatay niya ang pagiging maldito.

Tikom ang bibig ng network executives sa magiging kapalaran ng showbiz career ng young actor. Malalaman natin ang tunay na kasagutan kapag natapos na ang teleserye na starring ang young actor dahil kapag hindi ito nagkaroon ng bagong television project, confirmed ang tsismis!

Fan gustong manood ng show nina Sharon at Ogie

May lambing si Vangie Acuña ng Cabuyao, Laguna sa e-mail na ipinadala niya sa akin kahapon. Obvious na fan ni Mark Herras si Vangie kaya puring-puri niya ang performance ng kanyang favorite actor sa Sunday All Stars ng GMA 7 noong Linggo.

Read ninyo ang e-mail ni Vangie: “Magandang araw po, Nanay Lolit, nag-email po ako para makisuyo na maiparating kay Mark Herras ang pagbati ko dahil magaling po ang performance niya kahapon sa Sunday All Stars.

“Masaya ang mukha niya. Sana tuluy- tuloy lang kasi magaling siya na artista. Sa mga talent ng Channel 7, isa si Mark sa paborito ko. Nais ko rin pong malaman kung paano ako makakapanood ng show nina Sharon Cuneta at Ogie Alcasid. Nabasa ko rin po ang article ninyo about Edu Man­zano’s show. Maganda po ang concept, nakakatuwa. Maraming salamat po, God bless.”

Sa pagkakaalam ko, taped as live ang show nina Sharon at Ogie, ang The Mega and the Songwriter at walang studio audience, base sa pilot episode noong Linggo.

Pero baka magbago ang sistema kapag dumami ang mga request sa TV5 na magpapasok ng audience sa taping ng The Mega and the Songwriter.

Tungkol naman kay Mark, natutuwa ako dahil napapansin na ang pagiging seryoso niya sa kanyang career. Wish ko lang, magtuluy-tuloy na ang malalaking changes sa showbiz career ni Mark na looking forward tuwing Linggo sa Sunday All Stars. Pagdating sa pagsasayaw, wala pa ring tatalo sa husay ni Mark. Siya pa rin ang bad boy ng dancefloor.

 

Show comments