Dumaan sa hospital na naka-wedding gown: Kasal ng dating Hot Babe na si Jen naging madrama

PIK: Habang tumatagal ay dumarami ang mga mahihilig sa drama ang nahu-hook sa bagong drama series sa GMA Telebabad na Akin Pa Rin ang Bukas.

PAK: Walang balak si Kylie Padilla na manood sa Cosmo Bachelor Bash sa Sept. 24 na ang isa sa mga rarampa ay ang boyfriend niyang si Aljur Abrenica.

“Busy ako eh. Marami akong ginagawa,” sagot nito.

Sa totoo lang, pagkatapos manood ni Kylie nung nakaraang taon, ayaw na niyang manood uli dahil sa rami raw ng mga lalaking rumarampang nakahubad.

BOOM: Madrama ang kasal ng dating Viva Hot Babe na si Jen Rosendahl sa long-time boyfriend niyang si Jules Changco na ginanap sa Sanctuario de San Antonio Parish sa Makati City nung isang gabi.

Bago siya tumuloy sa simbahan, dumaan muna siya sa Cardinal Santos hospital na naka-wedding gown para magpakita sa kanyang ama na naka-confine roon.

Ang wish pa naman ng daddy niya ay ihatid siya sa altar pero inatake ito sa puso nung nakaraang Huwebes.

Habang ginaganap ang kasal, iyak nang iyak ang mommy ni Jen at naka-Facetime ang buong seremonya para makita ito ng kanyang ama na nasa ICU pa rin.

Walang inimbita si Jen na mga taga-showbiz lalo na ang mga dating kasamahan sa Viva Hot Babes.

Show comments