Uy, inirereklamo na pala ng ilang artista ang isang programa dahil dinidiktahan daw ng mga staff ang mga iniimbita nilang artista na gustong kunin ng programa.
Lumalabas daw tuloy na scripted ang programa at nalilihis sa tunay nitong concept.
Kaya marami na raw artista ang tumatanggi rito na mag-guest dahil naiirita nga sa ginagawa ng mga staff.
Naku, ayaw ng mga bossing ng network ang ganitong sistema.
GMA nagpaliwanag sa sinasabing ‘pekeng’ report
Dahil sa violent reaction at bashing na inabot ni Ivan Mayrina sa Facebok and Twitter at sa lumabas na blind item na umano’y reporter na nameke ng report galing Zamboanga last week, nagbigay ng statement ang GMA Network para ikorek ang isyu kay Mr. Mayrina.
“Some viewers have reacted on social media to GMA News reporter Ivan Mayrina wearing protecÂtive gear during a live reÂport. It is a strict GMA News policy that field personnel, including off-camera crew members, wear such gear during conflict coverage. Nowhere in his live report did Ivan claim that he was in Barangay Santa Barbara or anywhere else at that moment except where he was – at a live remote set-up of GMA News.
“However, Ivan did go to Santa Barbara earlier in the day where he covered the situation there. That was in his edited report,†pahayag ng GMA.
Napansin ng viewers na wala sa battle zone si Ivan nang mag-report siya tungkol sa nangyayaring gulo sa Zamboanga pero kuntodo battle gear pa siya na kumalat sa social networking sites kaya naglabas ng paliwanag ang Kapuso Network.
Magpinsang sumikat sa Youtube kinaaliwan ni Ellen Degeneres
Kahapon ko lang napanood sa YouTube ang video ng mag-pinsang Aldrich Lloyd Talonding and James Bucong from General Santos City na nag-apir sa The Ellen DeGeneres Show last week. Nakilala ang magpinsan sa kanilang sariling version ng hit song ni Luther Vandross na Dance With My Father na halos may 4 million ang views na.
Hindi nahirapan si Ellen na kausapin ang magpinsan dahil parehong magaling magsalita ng English. Naaliw ang sikat na TV host sa sagot ng dalawa.
“People started recognizing us along the streets or in the malls. They even recognize us in the restrooms. That’s weird,†sabi ni Aldrich kay Ellen.
Ayon sa report ng Associated Press, anak si Aldrich ng Christian minister at member ng B’laan indigenous group.
Kumanta rin ang dalawa after the interview ni Ellen at mangiyak-ngiyak ang audience at saka binigyan sila ng standing ovation.
Binigyan pa ni Ellen ng set of music instruments ang magpinsan – amplifier, a guitar, at marami pang iba at check na worth $10,000.
Bago ang guesting ng dalawa last Sept. 12, na-mention na ni Ellen ang tungkol sa kanila last April pa.
“Last week, I saw a video of this young man, he’s from the Philippines and you gotta see this kid, amazing,†sabi ng sikat na host habang ipinakikita ang video clip nina Aldrich and James.
Ang alam ko, kasama ang grupo ng TV5 led by Aga Muhlach na nanood sa magpinsan sa show ni Ellen DeGeneres kaya malamang na umere ang coverage nila sa programa ni Aga na Pinoy ExploÂrer unless meron siyang bagong programa.