Cosmetic surgery pag-uusapan sa Salamat Dok

MANILA, Philippines - Sa Pilipinas, common nang pinag-uusapan ang mga pagpapaganda ng hugis ng pigi at pagpapatangos ng mga pango na ilong.

Ngayong Linggo, Sept. 15, ng 7:30 a.m. sa Sala­mat Dok (ABS-CBN kasabay sa ANC), isi-share ni Dr. Vicki Belo ang dalawang trademark surgical procedures ng kanyang klinika — rhinoplasty at laser liposuction.

Kapag sinabing rhinoplasty sa mundo ng cosmetic surgery, ito ay tungkol lang sa nose job. May dalawang klase ito ng operasyon: Augmentation (paglalagay ng bridge sa mga pisat na ilong na madalas sa mga Asyano) at reduction (pagbabawas ng mga sobra o nakausling buto).

Dahil sa highly-trained doctors ng Belo Medical Group, lumalabas ang mga pasyente na masaya sa resulta sa kanilang new look. Natural kasi ang hitsura. Isi-share ni Brian Cabalquinto, chief information officer ng Belo, ang ilang karanasan sa ganitong procedure.

Ang sagot sa mga sobrang taba: State-of-the-art Laser Lipo na magtutunaw ng mga unwanted fat. Halos less invasive treatmen ito kaya ang pasyente ay komportable at madaling maka-recover.

Ang singer na si K-La Rivera naman ng Star Power ang kasama ni Dr. Belo sa Salamat Dok. Ikukuwento ni K-La ang ipinagawa niya sa mga pigi. Pagkatapos ng programa, tiyak marami ang mag-iisip sa mga may problema sa bandang balakang, pigi, at hita.

Show comments