Marami ang madi-disappoint ‘pag lumabas ang balitang kasal na sa matagal ng GF ang TV persoÂnality na ito na marami ang may crush. Nili-link pa nga siya sa co-host niya sa kanyang show and in fairness, ang lakas ng kanilang chemistry, pero hangÂgang chemistry na lang sila dahil pareho na silang taken at si male TV personality ay kasal na nga.
Sa ibang bansa ikinasal ang TV personality at family nila ng wife at close friends lang ang invited, kaya hindi pa nababalita rito. Hindi naman daw itinatago ng TV personality ang pag-aasawa, pero ayaw ding ipagsabi’t hindi daw siya artista.
Hintayin na lang natin ang TV personality mismo ang magbalitang married na siya sa kanyang fans na karamihan ay mga babae.
Julie Anne walang alam sa ‘galit’ ni Elmo
Maganda ang concept ng Kahit Nasaan Ka Man, ang bagong primetime show ng GMA 7 dahil live na kakantahin ng mga bidang sina Julie Anne San Jose at Kristoffer Martin at iba pang cast ang song number na kasama sa soap.
Tuwang-tuwa si Julie Anne kay Kristoffer dahil marunong kumanta at ilang praktis lang, agad nakuha ng tama ang I’ll Be There. First primetime show ito ng singer-actress (SA), excited at kinakabahan din dahil hindi ang nakasanayang ka-love team ng fans na si Elmo Magalona ang kapareha.
Samantala, hindi rin alam ni Julie Anne kung baÂkit hindi natuloy si Elmo na makapareha niya at ayaw na niyang magtanong. Hindi rin sinagot ang tsikang tila iniiwasan siyang makasama ni Elmo dahil wala rin si Elmo sa Sunday All Stars.
Hindi rin niya nararamdamang personal ang rason ni Elmo kung bakit hindi ito natuloy sa Kahit Nasaan Ka Man na start ng airing sa September 23, after ng 24 Oras kapalit ng Ana Karenina. Naniniwala rin si Julie Anne na hindi magiging isyu sa fans nina Kristoffer at GF nitong si Joyce Ching ang pagtatambal nila ng aktor.
After Kristoffer, kung pagbibigyan ng 7, sina Aljur Abrenica at Tom Rodriguez ang gustong makapareha ni Julie Anne.
Lexi Fernandez pahinga muna sa showbiz
Ibinalita ni Maritoni Fernandez sa presscon ng Prinsesa ng Buhay Ko na titigil muna sa showbiz ang anak na si Lexi Fernandez para mag-concentrate sa studies sa Univ of Asia and the Pacific.
Ang tanging showbiz koneksiyon na lang ni Lexi ay ang paggawa ng album at ipinagmalaki ni Maritoni na maganda ang boses ng anak at suportahan daw ang album nito. Nakalimutang sabihin ni Maritoni kung saang record company at kung kailan ang release.
Hindi na rin namin tinanong si Maritoni kung kaya sa UA&P nag-enroll si Lexi dahil dito rin naka-enroll ang football player BF. Inamin ni Lexi na may BF siya from the said university.
‘Kaloka pala ang sagot ni Maritoni sa tanong kundi ba siya nai-insecure kay Carmi Martin na mas malaki ang role kesa sa kanya sa soap. Ang sagot nito “Hindi ako ma-i-insecure, mas matanda siya sa akin.â€
Buti na lang at hindi napikon si Carmi.
Derek sumali na sa seryeng pang-bakla
Susunod ang TV5 ang taping ng tema ng My Husband’s Lover sa bagong soap nilang For Love or Money na tampok sina Alice Dixson, Ritz Azul at Derek Ramsay at sa direction ni Mac Alejandre.
Bayarang lalake raw ang role ni Derek at sa nabasa naming tweets nito, happy at excited siya that he’s back to drama. Ibinalita nito sa kanyang followers na may bed scene sila ni Ritz at tila kinunan ‘yun sa first day taping ng aktres.
Kaya lang, tama ba ang dinig naming weekend ang For Love or Money at hindi daily soap? Mas maganda sana kung daily ito para hindi nasisira ang momentum sa paghihintay sa next episode.
Masuwerte itong si Ritz dahil siya yata sa talent ng TV5 ang may pinakamaraming shows. Tama ba ang bilang namin na apat ang regular shows nito?