Aktres walang alam sa respeto!

Parang hindi pinakain ng upo ang young actress ng kanyang mga magulang dahil hindi siya maru­nong gumamit ng po at opo kahit mas matanda ang kausap niya.

Marami ang nawalan ng gana sa young actress dahil sa paraan ng pakikipag-usap nito sa isang TV host. Parang kaedad lamang ng young actress ang TV host dahil walang po at opo ang kanyang mga sagot habang nakikipag-usap sa TV host na halos lola na niya.

Hindi magandang role model ang young actress sa mga bagets, huh?! Hindi pa huli para kumain siya ng upo at matuto na gumamit ng po at opo sa pakikipag-usap sa mga nakatatanda sa kanya.

Dingdong hindi makapagsalita sa milyones na kontrata sa GMA

Kapuso pa rin si Dingdong Dantes dahil nag-renew siya kahapon ng kontrata sa GMA 7 at nangyari ito sa Manila Polo Club sa Makati City.

Five years ang exclusive contract na pinirmahan ni Dingdong sa network na naging tahanan niya mula pa noong bagets siya. Thirty three years old na ngayon si Dingdong at 38 years old na siya sa expiration ng kanyang new contract. Siguro naman, may asawa at anak na si Dingdong five years from now?

May mga nagtanong sa aktor sa worth ng kanyang new contract sa GMA Network, Inc. Hindi sinagot ni Dingdong ang question dahil ang kanyang manager na si Perry Lansigan ang nakipag-negotiate at kahit hindi siya sumagot ay tiyak na milyones ang halaga ng contract.

Ang Genesis ang coming soon show ni Dingdong sa GMA 7. Mapapanood na sa susunod na buwan ang Genesis pero hindi pa masabi ng bida ang magiging timeslot ng bagong primetime show niya na kagigiliwan ng mga bata at matanda.

Ipinakita kahapon sa contract-signing session ni Dingdong ang teaser ng Genesis na isang sci-fi thriller kaya malalaki ang mga eksena. Ang Genesis ang isa sa mga pinaka-expensive project ng GMA 7.

Of course, susuportahan ko ang Genesis dahil bukod sa Kapuso project ito, kasama sa cast si Lorna Tolentino bilang lady president ng Pilipinas. Maganda at mahalaga sa kuwento ng Genesis ang role ni LT.

Regine Kapuso pa rin kahit wala pang pirmahan!

Hindi lamang si Dingdong ang nag-renew ng kontrata dahil pumirma na uli sa Kapuso Network si Regine Velasquez.

Kinumpirma ng isang executive ng GMA Network, Inc. ang pananatili ni Regine sa Channel 7. Aayusin na lamang nila ang contract-signing na kumpirmasyon na Kapuso star pa rin ang Asia’s Songbird.

Raymond minura ang haters sa tattoo

Nakita ko kahapon sa pahina ng The Philippine Star ang sexy pictorial ni Raymond Gutierrez. Sa unang tingin, napagkamalan ko na si Richard ang kanyang kakambal na malaki na ang ipinayat kaya magkamukhang-magkamukha na uli sila.

 â€œHot at sexy” ang reaksiyon ng mga nakakita sa sexy photos ni Raymond. Nagulat sila dahil capable din pala si Raymond na maging daring sa photo shoot. Nasanay kasi sila na palaging balot na balot ng damit ang twin brother ni Richard.

May malaking tattoo pa pala si Raymond na hindi ko napansin nang magkita kami noong Huwebes dahil natatakpan ng polo na suot niya. Marami ang naintriga sa tattoo ni Raymond na “F..k the haters!” na dedicated sa mga tao na punumpuno ng galit sa ibang tao. Galit na walang pinagmumulan. Feel lang nila na mang-inis ng kapwa at inisin ang sarili.

Show comments