^

PSN Showbiz

Ginanahan, walang kupas sa pagiging concert king: Concert ni Martin inabot ng hatinggabi, secret girlfriend lumutang sa Araneta

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Pinatunayan ni Martin Nievera na siya ang nag-iisang concert king ng bansa after 30 years sa music industry.

Kuwento ng mga nanood ng 3D : Tatlong Dekada concert na ginanap sa Araneta last Friday night, walang nagbago kay Martin -  sa boses at level ng kanyang performance – hindi naiba kaya sulit na sulit ang fans.

“In his element. Ang galing. Nag-enjoy ang mga nanood,” kuwento ng kausap ko sa telepono na isa sa mga dumayo sa Araneta Coliseum noong Biyernes ng gabi.

Kinanta raw lahat ni Martin ang mga pinasikat niya na ikinakilig ng audience na balitang hindi magulo at walang mga aligagang fans na may mga stick glow.

At dahil inamin ni Martin na may lovelife siya na ayaw naman niyang pangalanan kung sino, hinanap ng mga nanood ang girl sa Araneta. May napansin silang isang magandang girl na nasa bandang harapan at panay ang video. “At kinantahan pa siya ni Martin nung bumaba siya (concert king) sa stage,” kuwento ng source ko. At narinig pa raw ng katabi sa upuan ng girl na nag-I love you si Martin.  Tisay daw ang girl, banggit ng mga nakakita. ‘Yun nga lang, nakakahinayang dahil hindi niya (source) nakunan ng litrato ang girl.

Kasama sa mga naging guest ni Martin sina Gary Valenciano na balitang nakipag-duet pa sa concert king ng dalawang beses, si Bamboo, Aiza Seguerra, Anne Curtis and Regine Velasquez.

Umabot ng tatlong oras ang concert na nag-umpisa ng 9:00 p.m. at natapos ng 12 midnight. Pero wala raw umuwing hindi masaya sa napanood nilang concert ng nang-iisang concert king na produced ng Viva Concerts at dinirek ni Rowell Santiago.

Dingdong limang taon ang bagong kontrata sa GMA Network

Pagkatapos ni Marian Rivera, si Dingdong Dantes naman ang nag-renew ng kontrata sa GMA Network kahapon na ginanap sa Manila Polo Club.

Limang taon ang bagong kontrata ng aktor na dinaluhan ang contract signing ng mga top gun ng GMA Network sa pangunguna ni GMA Chairman and Chief Executive Officer Atty. Felipe L. Gozon, GMA President and Chief Operating Officer Gilberto R. Duavit, Jr., GMA Executive Vice President and Chief Financial Officer Felipe S. Yalong, GMA Films President Atty. Annette Gozon-Abrogar, GMA Entertainment TV’s Officer-in-Charge Lilybeth G. Rasonable, GMA Vice President for Program Management Jose Mari Abacan, GMA Vice President for Program Support Department Regie C. Bautista, GMA Vice President for Drama Productions Redgie Acuña-Magno, GMA Assistant Vice President for Alternative Productions Gigi Santiago-Lara, GMA Assistant Vice President for Corporate Communications Angela Javier-Cruz, Program Manager for ETV Drama Redgynn Alba and Dingdong’s manager Perry Lansigan.

Ayon sa aktor, nanghingi siya ng sign sa Diyos bago nag-desisyon para sa limang taong kontrata.

“Usually pag-birthday ko umuulan, pero my last birthday ang init. Umulan, 11:55, pero sandali lang. So ang bilis talaga,” pag-alala ni Dingdong sa nasabing sign. Ito ‘yung nagpunta sila sa Balisen Island sa Polilio, Quezon Province last birthday niya (August 2). “Nag-usap kami ng pamilya ko at ‘yun nga, nakuha ko agad ang sign.”

Sinabi pa ng aktor na masaya siya sa desisyon niya. “I’ve been with GMA for 15 years. Ang pinaka-importante throughout the years, which is practically half of my lifetime, is that they were always there to support me noong nag-u-umpisa akong mangarap, noong hindi ko pa alam ang magi­ging direksiyon ko sa buhay, noong mga panahon kung kailan I failed, noong mga panahon na hindi ko alam ang gagawin ko hanggang ngayon, andiyan sila. They were always there in fulfilling my dreams. That support is beyond just being a company, a network and just a house that holds my talent, but a home.  I consider this as my home where my heart truly belongs,” sabi ng aktor na dineklarang Primetime King ng kanyang network.

Walang naka-particular kung ilang show ang gagawin ng aktor sa nasabing panahon pero una rito ang Genesis, ang programang papalit sa My Husband’s Lover na eere sa Oct. 7.

Nakalagay din ba sa kontrata na hindi sila puwedeng magpakasal ni Marian?

Si Mr. Jimmy Duavit : “Laging nakasuporta ang himpilan sa mga gagawin niya na pag gusto na ni Dong na magpatuloy sa kanilang buhay, andito kami.”

Pero sinabi naman ng aktor na kailangan muna niyang unahin ang pinirmahan niyang kontrata bago ang pag-aasawa.

Sinabi naman ni Mr. Gozon na he is pleased sa pagiging loyal ni Dingdong sa kanila.

“Alam n’yo mga 15 taon na si Dingdong sa GMA. Ito ang magpapatunay na marunong makadevelop ng Primetime King ang GMA. He is our exhibit number one kung paano nakaka-develop ng artist ang GMA 7.”

Bilang pasasalamat sa pagpirma ng bagong kontrata, sisimulan ni Dingdong ang matagal na niyang pina-plano na pagbibigay ng full scholarship sa 12 deserving students.

AIZA SEGUERRA

ALTERNATIVE PRODUCTIONS GIGI SANTIAGO-LARA

ANNE CURTIS AND REGINE VELASQUEZ

ASSISTANT VICE PRESIDENT

GMA

PRESIDENT

PRIMETIME KING

VICE PRESIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with