Aljur matagal nang pangarap magka-Jollibee!

Love ng press si Aljur Abrenica dahil kahit kailangang i-promote ang love team nila ni Kris Bernal dahil sa nalalapit na ai­ring ng Prinsesa ng Buhay Ko, ayaw lokohin ang mga reporter sa tunay na status ng love life niya.

Nang tanungin kung sino ang hu­ling sinabihan niya ng “ikaw ang prinsesa ng buhay ko,” mabilis ang sagot na “si Kylie (Padilla, ang kanyang girlfriend).” Nagpakatotoo ito.

Nilinaw pala ng aktor ang nabanggit ni Kris na “dynamic” acting niya na napansin mula nang magsimula silang mag-taping ng Prinsesa ng Bu­hay Ko. Napansin daw ni Kris ang maturity niya sa pag-arte at siya man, napansing mas gumagaling ang kapareha at ginagamit ang experience sa acting.

Bukod kay Kris, gustong makatra­baho ni Aljur sina Marian Rivera, Heart Evangelista, at Carla Abellana in that order. Sana raw mapagbigyan siya ng Channel 7.

Samantala na-share ni Aljur ang ma­tagal na niyang dream na magkaroon ng franchise ng Jollibee and, in fact, bata pa man siya ay iyon na ang pangarap niya. Napa-“sana” ang aktor nang banggitin ng press na mas maganda kung kukunin siyang endorser ng Jollibee at ang ta­lent fee niya ay pang-down sa franchise fee ng fastfood branch.

Anyway, sa Sept. 23, bago mag-24 Oras, ang pilot ng Prin­se­sa ng Buhay Ko. Si Dondon Santos ang direktor at ginamitan ng HD (high definition) kaya malinaw panoorin.

Raymond takot itakwil ng pamilya

Housebreak ang title ng episode ni Raymond Gutierrez sa Showbiz Police ng TV5 na pilot this Saturday, 6-7 p.m. Bibisitahin niya ang mga bahay ng celebrities. Advantage ito sa kanya para makakuha ng tips sa pag-aayos ng bahay dahil nagsosolo na siya sa condo.

Si Raymond din ang natoka sa one-on-one interview sa celebrities at inaming nami-miss niya ito mula nang mawala ang Showbiz Central. Ang mga kapatid na sina Ruffa at Richard Gutierrez ang iinterbyuhin niya mamaya, tingnan natin kung mapaamin niya si Richard sa mga isyung hindi pa nasasagot.

Natawa kami sa sinabi ng TV host na sana hindi siya ma-disown after today’s episode of Showbiz Police at sana may family pa siya dahil sa interview nga niya kay Richard.

Na-suggest din niyang mag-guest si Sarah Lahbati, hindi nga lang puwede kasi may kontrata pa ito sa GMA Network.

Joey Paras pinatitigil na ni Direk Wenn sa pagtanggap ng indie

May problema si Joey Paras, pinayuhan siya ni Direk Wenn Deramas na tigilan na ang paggawa ng indie film at mag-concentrate sa paggawa ng mainstream movie. Pina-pattern ng director si Joey sa career path ni Eugene Domingo at naniniwala si Direk Wenn na mas mabilis siyang matatanggap sa mainstream kundi na siya gagawa ng indie film.

Kaya lang, ayaw iwan ni Joey ang indie film dahil nagka-award siya sa mga indie film na Last Supper No. 3 at sa Babagwa ay nanalo siyang best supporting actor. Ang nakikitang solusyon ni Joey, ipapakiusap niya kay Direk Wenn ’pag may magandang role sa indie film na offer sa kanya.

Sabay ang showing ng Babagwa at Momzillas sa Sept. 18 at dasal ni Joey, parehong kumita ang dalawang pelikula. Sa October, showing naman ng launching movie niyang Bekikang na pinagpi-pray din niyang kumita.

 

Show comments