Pero advertisers ayaw pa: Wally Bayola pinagtatrabaho na ng asawa

PIK: Nakapag-renew na pala ng kontrata si Regine Velasquez sa GMA 7 pero wala pa kaming naririnig na programang gagawin niya sa Kapuso Network.

So far, nag-i-enjoy pa rin ang Asia’s Songbird sa Sarap Diva na napapanood tuwing Sabado ng umaga.

Special guests ngayong umaga ni Regine ang magkapatid na Ramon Christopher at Jackielou Blanco kasama ang anak nitong si Rikki Mae Davao.

PAK: Totoo kayang gustung-gusto na raw ni Wally Bayola na bumalik sa trabaho?

Narinig naming tumawag ang asawa nitong si Rizza Bayola sa Celebrity Bluff para magtanong kung puwede nang bumalik si Wally bilang Gangnamm. Pero mukhang hindi pa raw agree ang mga advertiser at kailangang palamigin pa muna ito.

Naawa naman kami kay Wally dahil may anak itong pinapagamot kaya kailangan naman niyang kumita. Tinanggap naman si Wally ng asawa niya kaya siguro tatanggapin naman ito ng publiko.

Mamayang gabi pala sa Celebrity Bluff ay maglalaban ang kilalang radio jocks na sina Chico Garcia at Gino Quillamor ng RX 93.1, Nicolehyala at Chris Tsuper ng Love Radio, at Papa Dudut at Ate Liza ng Brgy. LS.

BOOM: Ngayong araw ang kasal ng dating Viva Hot Babe na si Jen Rosendahl.

Ikakasal siya sa isang mayamang businessman. Pero kahapon pa ay nagkaka-problema ang dating sexy star dahil nasa intensive care unit (ICU) pa rin pala ang kanyang ama.

May malubha itong karamdaman at gusto pa sana niyang ang kanyang ama ang maghahatid sa kanya sa altar.

Show comments