Tatlong barkada, maglalaban sa hatawan: Bida Kabarkada: The finals

MANILA, Philippines - Isang matinding pasiklaban ng makapigil-hi­ningang hiphop moves at stunts ang magaganap ngayong Sabado sa It’s Showtime (Sept 14) sa pagtatagpo ng tatlong finalists ng Bida Kabarkada kung saan tatanghalin ang kampeon na magwawagi ng P1 milyon.

Maghaharap na ang J. Crisis ng Sampaloc, Maynila, X-Force Dance Company ng Marikina, at Rizal Underground ng Cainta, Rizal para sa huling pagkakataong magpasikat sa madlang people.

Aling dance group kaya ang tatanghaling unkabogable pagdating sa dance floor?

Huwag ding palampasin sa Sabado ang pasabog ng It’s Showtime hosts na siyang opisyal na magpapakilala sa bagong segment na papalit sa Bida Kabarkada.

Samantala, tuluy-tuloy pa rin ang patalbugan ng mga kalog na celebrity look-alikes sa Kalokalike Level Up Face 2 hanggang sa mapangalanan ang Ultimate Kalokalike sa grand finals nito sa Set­yembre 28  kasama pa rin sina Anne Curtis, Vice Ganda, Vhong Navarro, Billy Crawford, Karylle, Kuya Kim Atienza, Teddy Corpuz, Jugs Jugueta, Jhong Hilario, Ryan Bang, Coleen Garcia, at Eric ‘Eruption’ Tai.

 

Show comments