Isabelle Daza, yes sa love scene kay Lovi at Solenn!
Walang arte sa katawan ang baguhang si Isabelle Daza na bukod kina Jake Cuenca at Joem Bascon ay nakakuha ng thumbs up para sa kanyang performance sa indie film na Lihis.
Kung bibigyan ba siya ng role ng kapareho nang ginawa ng dalawang aktor, at hindi matapus-tapos ang trending sa Internet, ay gagawin ba niya?
“Bakit hindi pero katulad ng movie na ginawa namin kailangang maganda rin ang istorya at napagkakatiwalaan ko ang direktor. Pagdating naman sa magiging kaeksena ko, gusto ko either Lovi Poe or Solenn Heussaff kasi magkakaibigan kami, hindi na ako maiilang sa kanila,†anang artista.
Minsan na rin kasi niyang ginulat ang sambaÂyanan nang magkaroon sila ng larawan sa Internet ng kanyang pinsan na si Georgina Wilson na naghahalikan.
“We were just showing our support for the gay movement,†sabi niya but also acknowledging the fact na may mga na-turn off sa kanilang ginawa.
Lauren takot gumaya sa kanyang ate
Kung dati ay isang tahasang “no†ang sagot ni Lauren Young sa mga humihimok sa kanyang sumubok sumali sa mga beauty contest, matapos manalo ang kanyang kapatid na si Megan Young bilang Miss World Philippines ay lalo pang lumiit ang tsansa na makumbinsi pa siya ngayon.
“Mahirap ma-follow ’yung ginawa niya. Magiging malaki ang expectation sa akin at kapag natalo ako, magiging mas malaking disappointment din sa akin at sa mga followers ko. Mas mabuti sigurong mag-focus na lang ako sa career ko. I believe naman that I am doing well with my acting, siguro dahil passion ko ito. Before I am through with it siguro naman malayo na ang narating ko. I will see to it na mahigitan ko pa ’yung mga nagagawa ko ngayon,†sabi ng bagong Kapuso star.
Katatapos pa lamang niya sa Mundo Mo’y Akin ay meron na namang bagong serye, ang DormitorÂyo, na kakaiba sa mga tumatakbong serye ngayon sa telebisyon dahil suspense-filled ito at mapapanood lamang minsan isang linggo, every Sunday, after Sunday All Stars.
Kasama rin sa serye sina Ruru Madrid, Joyce Ching, Annicka Dolonius, Ash Nordstrom, at Mel Kimura.
Sa direksiyon ni Jun Lana ang serye. MagsisiÂmula na sa Sept. 22.
Wynwyn akting muna bago beauty contest
Isa pa ring interesadong mag-join ng beauty contest itong si Wynwyn Marquez. Pero dahil marami siyang ginagawa ngayon kung kaya hindi agad niya itong magagawa.
“Twenty one pa lang naman ako kaya puwede ko pang unahin muna ang pag-aartista ko. Kapag na-establish ko na ang sarili ko rito, then ’yun na ang time para mag-focus naman ako sa iba, like joining the Bb. Pilipinas,†sabi niya.
Samantala, abala siya ngayon sa bagong serye niyang Dormitoryo.
“Hindo ako kontrabida rito kaya hindi ko alam kung paano ko gagampanan ang role ko. Umaasa na lang ako sa guidance ni Direk Jun Lana,†pag-amin ng artista na medyo matagal na ring napanood since One True Love.
Aljur mas inuna ang cell phone kesa makipag-usap sa press
We met Aljur Abrenica sa lobby ng GMA pagkatapos namin ng presscon ng Dormitoryo. He was talking to a colleague who introduced us to him. Pero ni hindi man lang niya kami tiningnan o na-acknowledge. Bising-busy siya sa kanyang cell phone.
Hindi na namin hinintay na matapos niya ang kanyang pakikipag-usap. Iniwan na lang namin sila.
- Latest