Sharon itinuloy ang taping kahit paos at masama ang pakiramdam

SEEN: Natagalan ang taping ng pilot episode ng The Mega and the Songwriter noong Miyerkules at normal ito para sa isang bagong programa.

Nagpapasalamat sa Diyos si Sharon Cuneta dahil kahit namamaos at masama ang pakiramdam, naki-cooperate ang kanyang boses.

SCENE: Palabas sa mga sinehan ng Trinoma, Glorietta, at Greenbelt mula Sept. 11 hanggang Sept. 17 ang critically-acclaimed Cinemalaya movie na Transit.

SEEN: May mga batikos sa sexy music video ng Wrecking Ball, ang bagong single ni Miley Cyrus.

Nagtagumpay si Miley dahil siya ang nakikinabang sa kontrobersiya ng music video ng Wrecking Ball.

SCENE: Ipagpapatuloy ng TV5 ang show na Face to Face pero Face the People na ang title.

Sina Gelli de Belen at Christine Bersola ang mga host ng Face the People, hindi kasali si Amy Perez, ang original host at mukha ng Face to Face.

SCENE: Nabuhay uli ang isyu ng annulment case nina Sen. Koko Pimentel at Jewel Lobaton dahil sa pagsasalita sa media ng former beauty queen.

Si Jewel ang guest kahapon sa Headstart, ang show ni Karen Davila sa ANC.

SEEN: Stroke ang ikinamatay  noong Miyerkules ni former Solicitor General Frank Chavez.

Ang kaso ng ex-couple na sina Kris Aquino at James Yap ang huli at pinakamaingay na hinawakan ni Chavez.

Si Kris ang kliyente ni Chavez na pumanaw sa edad na 66.

SCENE: Suspense-thriller ang Dormitoryo, ang Sunday afternoon show ng GMA 7 na magsisimula sa Sept. 22 at mag-uumpisa ng bagong trend sa mga youth-oriented show, ayon kay Lauren Young.

                                                 

Show comments