Sheena galit na galit kay Sharmaine
MANILA, Philippines - Galit na galit si Agnes (Sheena Halili) sa rebelasyon ni Celia (Sharmaine Arnaiz) na si Emily (Gwen Zamora) ang may pakana ng lahat kaya siya napagbintangan at napiit sa kulungan. Hindi naman agad makapaniwala si Francis (Luis Alandy) sa bintang ni Agnes sa kanyang asawa. Pero magbago kaya ang paniniwala ni Francis kung mapapanood na niya ang video na narecord ni Bibot tungkol kay Emily? Abangan pagpapatuloy ng Binoy Henyo.
Samantala ay magkakaroon naman ng pagkakataon si Binoy na mapalapit sa kanyang Lolo Alfredo. Matutuwa si Alfredo na napalaking mabuting bata si Binoy. Dahil dito ay magkakaroon siya ng interes na makilala ang babaeng kinamuhian niya noon si Agnes.
Mapapabilis na din ang paglaya niya sa tulong ng statement ni Celia kaya hindi siya magsasayang ng panahon at agad siyang pupunta sa bahay nina Francis upang sunduin si Binoy.
Lalong magngingitngit si Agnes matapos niyang abutan si Binoy kasama ni Emily. Ngayon ay naiintindihan na ni Agnes na sinasadya ni Emily ang lahat para palitan siya bilang ina ni Binoy. Sa muling pagkikita nina Binoy at Agnes ay mangingibabaw pa din ang pagmamahal ni Binoy sa tunay niyang ina!
Masayang masaya sina Binoy at Agnes sa muli nilang pagkikita. Ngayong Malaya na si Agnes ay babalik na sila sa kanilang bahay kasama ni Chato (Nova Villa). Isang maliit na salu-salo ang hinanda ng lahat para kay Agnes at panibagong sorpresa ang handa ni Binoy para sa kanyang ina.
Hindi naman makapayag si Emily na tuluyan ng mapunta si Binoy kay Agnes. In her desperation ay manggugulo si Emily sa celebration ni Agnes at pipilitin niyang kunin si Binoy sa tunay niyang ina.
Makakarating naman agad si Francis para awatin ang asawa. Isang rebelasyon ang kanyang dala sa pamamagitan ng robot ni Binoy na si Bibot. Mapapanood ng lahat ang usapan nina Emily at Celia na magdidiin kay Emily sa lahat ng mga kasamaan niya!
- Latest