Congrats, Juday! Nakapagdesisyon ka rin na manatili ng ABS-CBN. Saan ka pa naman pupunta, eh nandun ang kaharian mo. Anuman ang nangyari sa serye mo, still it was a good serye, isa sa pinaka-maganda ng istasyon. Napulitika ka lang but, still by this time dapat alam mo nang maÂkipaglaro. Mararamdaman mo pa rin ang pagiging reyna mo sa Kapamilya Network kaysa sa ibang network na kung saan mayron kang daratnang nakaupo sa trono.
Ryzza Mae mahirap tapatan ng kapwa bata
Talagang itong si Ryzza Mae Dizon, walang makakapares. Sa kanyang edad nakapagdadala na siya ng show. Feel mo naman na kanyang-kanya ‘yung mga diskarte niya at hindi turo ng produksiyon. Nakakatuwa siyang pagmasdan habang kinakausap ‘yung mga anak ng mga bossing niya kamakailan (Ciara & Danica Sotto at Jocas de Leon). Kahit alam mong may paggalang siya sa kanilang posisyon at dahil mas may edad sila sa kanya, nagawa pa rin niyang maitawid ng maganda ang pagiging host niya ng walang duda at buong galing. Mahihirapan kang makakita ng isa pang tulad niya. In the future siguro but, not now!