PIK: Maganda ang feedback sa pilot episode ng Akin Pa Rin ang Bukas na nagsimula na nung nakaraang Lunes.
Halos iisa ang komento na magaling daw ang mga artistang involved at pulido ang direksyon ni Laurice Guillen.
PAK: Natawa kami sa kuwento ni Direk Elwood Perez na nagpasalamat sa paglabas ng Startalk ng kuwento nito kung ano ang mga pinagdaanan niya para mabuo lang ang pelikulang Otso na entry nito sa Sineng Pambansa na nagsimula na kahapon.
Humagulgol ito nang iyak nang nakapanayam ng Startalk dahil na nagpasalamat sa malaking tulong na ibinigay ng kanyang ama at ng partner nito para matapos lang ang pelikula.
Napanood pala ito ng kanyang ama kaya lalo raw itong naawa sa kanya, kaya binigyan daw siya uli ng pera para magamit pa niya sa promo ng kanyang pelikula.
Pero mukhang naka-recover na si Direk Elwood dahil maganda ang feedback sa kanyang pelikula at ginagawa na nito ngayon sa Viva Films ang Trophy Wife na pinagbibidahan nina Heart Evangelista, Cristine Reyes, at Derek Ramsay.
BOOM: Proud si Dingdong Dantes sa kanyang Yes Pinoy Foundation na napaka-active sa pagtulong sa mga binaha nung nakaraang habagat at bagyong Maring.
Inamin niyang may mga ilang nagbibigay ng donasyon sa kanya mula sa mga fans niya at na-appreciate daw niya ito. Pero hindi naman daw dahil sa kanya ang foundation na iyun, kaya may mga nagbibigay ng donasyon sa kanila.
“Kaya nga hindi ko nilagay dun ang pangalan ko eh. I want it to stand on its own. Kumbaga it was a legit NGO na ang flagship programs nila ay ‘yung project mismo at hindi ako.
“Kung mag-invest man sila o mag-donate sila, it’s because naniniwala sila sa pupuntahan ng cause at pupuntahan ng pera, rather than sa ako ang founder nun,†pahayag nito.
Nilinaw niyang hindi naman daw kuwestiyonable ang kanyang Yes Pinoy Foundation, at sana nga raw hindi maapektuhan ito sa mga kinukuwestiyon ngayon na mga NGO.