Sam binakuran si Jessy para di malapitan ni Jake

Nagkaroon daw ng tensiyon sa pagitan nina Sam Milby at Jake Cuenca sa katatapos pa lamang na Star Magic Ball noong Sabado. Diumano ay tiningnan nang masama ni Jake si Sam Milby habang kinakausap ng huli ang nililigawang si Jessy Mendiola. May bulung-bulungang nililigawan din daw ni Jake si Jessy na kanyang leading lady sa teleseryeng Maria Mercedes. Binakuran daw kasi ni Sam si Jessy sa nasabing event para hindi malapitan ni Jake. “Hindi, hindi ko naman gagawin ‘yun. But everyone knows that I announced that I am making ligaw sa kanya. Ako, as a guy courting a girl, I just want her to know my interest. Me being around her doesn’t mean na binakuran ko siya. It’s just that I want to be around her,” paglilinaw ni Sam. “There’s no issue between Jake and I. There’s no issue between any other guys. ‘Yun lang,” giit pa ng aktor. Nagbunga na kaya ang panliligaw ni Sam sa aktres? “I’ve already admitted na nililigawan ko siya but in terms of other details, it’s not really something that I can tell. Okay na, I’ve said na what I needed to say and people know na, but that’s all that I can tell you. Nililigawan ko siya and marami namang nanliligaw sa kanya,” makahulugang sagot ni Sam.

Samantala, sa kauna-unahang pagkakataon ay makakasama ang binata sa isang pelikula na kalahok sa nalalapit na Metro Manila Film Festival, ang Kimmy Dora 3: Ang Kiyemeng Prequel. Masayang-masaya si Sam na nakasama niya sa isang proyekto si Eugene Domingo dahil iniidolo raw niya talaga ang aktres. “I’m a fan of Ate Uge since the first one. She really deserves itong success niya dahil napakagaling niya talaga,” pagtatapos ng aktor.  

Maricar at Richard, madalas mag-away

Aminado si Maricar Reyes na hindi raw perpekto ang kanilang pagsasama ni Richard Poon. Matatandaang nagpakasal ang dalawa noong June. “It really is a beginning of another phase na hindi siya always happy. May away din pero ‘yun nga, it’s how you resolve problems,” pagtatapat ni Maricar.

Madali raw naaayos ang gusot sa pagitan ng mag-asawa dahil napag-uusapan naman nila ito kaagad. “Parang a lot of fights happen because hindi tama ‘yung pag-communicate. Like iba ‘yung na-gets and people assume. Like iba ‘yung na-gets niya sa sinabi ko pero hindi naman ‘yun ‘yung ibig kong sabihin. Buti na lang na magaling rin siyang mag-communicate. We discuss things para maging clear both sides,” paliwanag ng aktres.

Labis na natutuwa si Maricar dahil hindi na raw talaga iba ang turing ng pamilya­ ni Richard sa kanya. “I appreciate na gano’n sila na they’re very welcoming family. They’re not difficult to be with. Sobrang friendly nila and I’m so happy they think highly of me because I also think highly of them,” nakangiting pahayag ni Maricar. Reports from JAMES C. CANTOS

                                                                                                                 

Show comments