MANILA, Philippines - Hindi ko napapansin, pero apat na lines na lang pala si Martin Nievera sa ASAP 2013. At mismong siya ang nag-confirm. As in hindi na pala halos siya nakakatapos ng isang kanta kaya usually, hindi na raw siya nagre-rehearse dahil sa Alabang pa siya nakatira so sayang nga naman ang gasoline kung apat na linya na lang ang aaralin niya. Besides, hindi na niya kailangan ng rehearsal.
He’s not actually complaining pero nagtataka rin lang siya na wala man lang siyang sariling portion.
Ang dami nga naman may portion sa ASAP kung tutuusin.
Hmmm. Parang mas mahaba pa nga ang exposure ni Jed Madela kesa sa concert king. So what gives? Eh kung tutuusin, isa siya sa haligi ng programa.
Guaranteed ang contract ni Martin sa ABS-CBN pero tanging ASAP lang ang programa niya. Ang talk show niyang Martin Late @ Night ay natsugi naman after 13 weeks. Inaapila niyang maibalik ang talk show pero wala namang positive feedback.
Anyway, bukas na magaganap ang kanyang 30th showbiz anniversary concert sa Araneta Coliseum na 3D: Tatlong Dekada na siya mismo ang writer, director etc. etc.
Nagpramis si Martin na may malaking panggulat ang kanyang concert bukas ng gabi.
Andi nasasaktan sa pagiging ‘AHAS’
Inaamin ni Andi Eigenmann na nasasaktan din siya pag tinatawag na ahas nang masabit ang paÂngalan sa hiwalayan nina Nikki Gil and Billy Crawford. “Tao rin naman po ako. Pero I think part na ito ng trabaho,†sagot lang niya.
Besides hindi naman daw totoong inahas niya si Billy at maraming beses na raw niya itong sinagot.
Nakahabol kasi ang isyu sa kanila ni Billy sa promo launching ng bago niyang show na Galema : Anak ni Zuma na kuwento ng pamilya at pag-ibig. Sesentro ito sa buhay ng mabuting-loob na dalaga na si Galema (Andi) na minana ang sumpa ng kanyang ama na si Zuma--ang pagkakaroon ng kambal na ahas sa kanyang balikat. Ano ang kayang gawin ng isang anak na kapos sa pag-unawa at pagmamahal makuha lang ang respeto ng lipunan at pagtanggap ng kanyang tunay na mga magulang? Makakasama ni Andi sa Galema: Anak ni Zuma sina Matteo Guidicelli, Meg Imperial, Sunshine Cruz, Sheryl Cruz, Carlos Morales, Divina Valencia, Lito Legaspi, at ipinakikilala si Derick Hubalde bilang si Zuma.
Pero ngayon naman ay palipas na isyu sa kanila ni Billy pero ayun nga naungkat dahil sa Galema na magsisimulang mapanood sa ABS-CBN next week.
Actress kinasuhan na naman ang nangbaboy na asawa
Sinampahan pala ng panibagong kaso ng aktres ang nakahiwalay na asawa dahil sa sex video nila na umano’y ini-upload sa Youtube ng ex ni actress.
Pero ayaw na raw ipag-ingay ng aktres ang kanyang demanda dahil baka lalong matuwa ang ex.
Ang isang sigurado raw ng aktres, gusto nitong maÂkulong ang dating asawa dahil sa kababuyang ginawa nito noong nagsasama pa sila.
Beyond imagination naman daw kasi ang ginawa ng ex hubby kaya talagang punung-puno ng galit ang aktres sa dating asawa na patung-patong na ang demanda ngayon.