Ang guwapo-guwapo ni Martin Nievera dahil pumayat siya. Ang sikreto ni Martin? Ang Sexy Solutions ng Belo Medical Clinic.
Kinarir ni Martin ang pagpapapayat para sa 3D, ang 30th anniversary concert niya sa Biyernes, Sept. 13, sa Smart Araneta Coliseum.
Bilib na bilib ako kay Martin dahil malakas ang kanyang self-discipline. Hindi talaga siya kumain habang nakikipagkuwentuhan siya sa amin, kahit masasarap na pagkain ang nasa harapan niya.
Hindi siya nagpadala sa temptation ng masasarap na pagkain sa Ryu, ang restaurant na pag-aari ni Ogie Alcasid.
Kinontrol niya ang sarili dahil ayaw niya na masira ang kanyang diet. Kakain na lamang daw siya ng marami pagkatapos ng kanyang concert.
Pumapatak ng Friday the 13th ang 3D concert pero hindi siya naniniwala sa mga pamahiin. Para kay Martin, suwerte sa kanya ang araw ng Biyernes at number 13.
May love life rin ang Concert King pero hindi niya type na i-reveal ang name ng lucky girl. Gusto ni Martin na manatiling pribado ang kanyang love life para hindi ito maintriga.
Agree ako sa kanyang desisyon dahil karapatan niya ang magkaroon ng tahimik na relasyon.
Hindi naman guest si Pops Fernandez sa concert ni Martin. Wondering nga raw si Pops dahil wala siya sa lineup ng mga special guest ng kanyang ex-husband.
Hindi pala mahilig si Martin sa mga sorpresa kaya ayaw niya na ginugulat siya. Gusto niya na panoorin ng mga tao ang concert niya nang dahil sa kanya at hindi dahil sa mga special guest.
Walang plano si Martin na iwanan ang pagkanta. Wala sa bokabularyo niÂya ang word na retirement. Kakanta raw siya hanggang gusto at makakaya niya.
Magandang role model si Martin sa mga baguhang singer. Umabot nga naman sa 30 years ang kanyang singing career dahil sa pagmamahal niya sa kanyang propesyon. Hindi siya naging abusado na performer kaya favorite ko siya.