At least si Ogie Alcasid, hindi itinanggi na kilala niya ang pork barrel queen na si Janet Napoles. Aminado ito na minsan ay kumanta siya sa isa sa mga pa-party sa Heritage ni Napoles. Pero hindi siya kumita ha. Wala raw siyang talent fee doon kaya wala siyang takot na sabihin na nakilala niya ang umano’y reyna ng mga pekeng NGO na pinaglagakan ng pork barrel ng ilang pulitiko. So ang duda baka naman hindi nakarating kay Ogie ang talent fee at iba ang nakinabang. Hahaha.
Sabi kasi ni Ogie, hindi naman siya basta-basta naniningil pag kaibigan ang nag-iimbita. Meaning kaibigan niya ang nag-invite para sa nasabing party ni Napoles.
Anyway, wala nang magiging pahinga si Ogie sa pagpasok niya sa TV5 as business unit head ng Music Department ng network ni Mr. Manny Pangilinan.
Bilang boss sa music department, kailangan niyang mag-report sa office – hindi pa niya sure kung sa The Fort or sa Reliance sa Mandaluyong - dahil dadaan sa kanya lahat ng mga music na kailangan sa lahat ng programa ng TV5. Pero hindi ibig sabihin ay siya lahat ang magsusulat. Basta kailangang may approval niya particularly sa musical show(s). Bukod pa ito sa tatlo agad niyang show na Tropa Mo Ko Unli, The Gift at The Mega and the Songwriter.
Sa first project niya na Tropa Mo Ko Unli, makakasama niya sina Gelli de Belen and Wendell Ramos. Mapapanood this Saturday, 7:00 p.m. At ang serye na The Gift, nagkaroon na sila ng story conference at ang The Mega and the Songwiter na sa Sunday na eere. “It’s going to be a great friendship. We don’t have an audience actually,†sabi ni Ogie tungkol sa programa nila ni Mega. Pero wala naman daw silang dancing portion dito.
Kaya tuwing Linggo na lang ang oras niya sa mag-ina niya – Regine and Nate.
So paano pa sila makakagawa ng kasunod ni Nate kung ganyan siya magiging ka-busy?
“Ginagawa ko na ang lahat pero wala pa rin,†sabay tawa ni Ogie sa isang small presscon kahapon.
Tulal naman daw ay maraming mga pinsan si Nate at dalawang kapatid (sa first wife niyang si Michelle Van Eimereen na nakabase sa Australia).
May nagtanong din kung paano ba siya bilang ama?
“Diciplinarian and spoiler,†pag-amin niya na aalis na naman papuntang Australia dahil magbi-birthday ang anak niyang si Leila kaya naikuwento niya tuloy na meron na itong manliligaw na inabutan niya nang pumunta siya ng Australia few weeks ago. Ang bait daw at nag-bonding sila. Ang kaso parang ayaw ng panganay nila ni Michelle na may ibang pamilya na sa Australia. “Kung magkaka-boyfriend siya gusto ko siya, mabait ‘yung bata.â€
At kahit six times a week ang trabaho niya, tuloy ang paglago ng negosyo ni Ogie na Ryu, ang ramen house na halos walang bakanteng upuan pag lunchtime. Naka-schedule silang mag-open ng branch sa Katipunan at Makati very soon.
Pops bagong ‘Boss’ ni Martin, ‘Ikinulong’ ni Dra. Belo para pumayat
“She’s my boss now,†kuwento ni Martin Nievera tungkol sa ex wife na si Pops Fernandez.
Tumatanggap pala kasi si Pops ng shows for him at ang ex ang nakikipag-negotiate. Of course with commission. “Makulit nga siya. Tatawag na ‘wag ko raw kalimutan or tatanungin ‘yung mga lineup ng songs,†kuwento ni Martin.
Sure na manonood si Pops sa kanyang concert sa Friday, Sept. 13, sa Araneta Coliseum, Martin Nievera : 3D – Tatlong Dekada concert. Balitang bumili pa ito ng anim na ticket para ipamigay sa kanyang mga kaibigan. Pero sabi ni Martin, binigyan niya ito ng tickets.
Anyway, ang payat ngayon ng concert king nang makausap namin kahapon. Malaking factor ang Sexy Solution ng Belo, gym at diet - no pork-no rice - for two months now. Dumating pa raw sa point na locked siya sa condo ni Dra. Vicki Belo para maka-concentrate sa diet niya. Habang nasa loob ng condo, wala siyang ibang puwedeng kainin kundi ang supply na food ng Belo.
Sineng pambansa exclusive sa SM, ngayon na mag-uumpisa
Ngayong araw na pormal na mag-uumpisa ang Sineng Pambansa National Film Festival 2013, presented by the Film Development Council of the Philippines (FDCP) in cooperation with SM Cinemas.
Pinagsama-sama ang country’s most accomplished film directors sa Sineng Pambansa ngayong taon.
Isang linggong mapapanood ang mga pelikulang kasali, exclusive sa SM Cinemas. Lahat ng mga pelikulang kasali ay P100 lang ang admission price.
Kasama sa mga mapapanood : Mel ChioÂnglo (Lauriana), Maryo de los Reyes (Bamboo Flowers), Joel Lamangan (Lihis), Elwood Perez (Otso), Gil Portes (Ang Tag-araw ni Twinkle), Jose Javier Reyes (Ano ang Kulay ng mga Nakalimutang Pangarap), Romy Suzara (Tinik), Peque Gallaga & Lore Reyes (Sonata), and Tikoy Aguiliz (Eman).