Martin ayaw maging variety show ang concert kaya walang masyadong guest

Aliw ang nabasa naming tweet ni Martin Nievera tungkol sa September 13 concert niya. Tweet nito: “Ok Viva telling me that people won’t buy ticket unless I announce the guests in my show. My guests supposed to be surprised guests hello!”

Sinundan pa ng tweet na “So I guess my trying to stay away from a variety show type concept may work against me. So for those who hung up just know I have guests. Ok!”

Sa presscon, hindi sinabi ni Martin kung sino ang guests niya sa kanyang 3D (Tatlong Dekada) concert para sorpresa at para raw panonoorin ang concert niya dahil sa kanya at hindi dahil sa guests niya. Nang mapilit ng press, ang anak na si Robin Nievera lang ang binanggit.

Pero ipinaalam na rin ng Viva Live Inc., producer ng concert na bukod kay Robin, guests din ni Martin sina Aiza Seguerra at Anne Curtis.

Nangako si Martin ng isang maganda at special na show dahil ang 3D concert niya ay selebrasyon ng 30 years niya sa showbiz.

Sa Smart Ara­neta Coliseum ang concert sa direction ni Rowell Santiago, musical director si Louie Ocampo at ABS-CBN Philharmonic Orchestra conducted by Gerald Salonga.

Singer-actor idedemanda ang composer sa kanyang album

Tsika sa amin, pinag-iisipan ng isang singer-actor (SA) kung idedemanda ang isang composer dahil ang feeling nito niloko siya sa hiningi nitong bayad sa sinulat na kanta para sa kanyang album.

Pero sana maayos ang problema ni SA sa composer para walang negative vibes. Mas maganda kung positive ang masusulat ‘pag lumabas ang album at hindi kaso ang itatanong ng press at isusulat.

Maganda pa naman ang album ni SA, okay ang line-up ng songs at karamihan may posibilidad na magustuhan kahit hindi niya fans.

Tomden normal na magka-love­team na ang tingin ng mga tao

Malakas talaga ang kilig factor ng TomDen love team nina Tom Rodriguez at Dennis Trillo dahil marami ang kinilig nang bisitahin ni Dennis sa St. Luke’s Medical Center Quezon City si Tom. Para bang normal na magka-love team ang kanilang kinakikiligan at inaabangan ang bawat kilos ng dalawa na sumikat dahil sa My Husband’s Lover.

Kaya lang dahil sa pagkakasakit ni Tom hindi muna siya makakapag-taping ng My Husband’s Lover . Kailangang gumaling na ang aktor dahil bukod sa ta­ping, may ginagawa pa siyang pelikula, may recording ng album nila ni Dennis at paghahandaan ang One More Try The MHL Concert sa October 12.

Marian at Heart pinagpiliang Gregoria De Jesus

Ang ganda ng cast ng Katipunan, ang next docu-series ng GMA News TV na tungkol sa life story ni Andres Bonifacio.  

Si Sid Lucero ang gaganap sa role ni Bonifacio at si Luis Alandy sa role ni Emilio Aguinaldo.

Hindi nabanggit kung sinong aktres ang gaganap sa role ni Gregoria de Jesus na noong una, ang pinagpipilian ay sina Marian Rivera at Heart Evangelista. Ano kaya ang nangyari at hindi na si Mike Tan sa role ni Emilio Aguinaldo?

Show comments