^

PSN Showbiz

Isabelle Daza hindi nasindak sa galit ni Direk Joel

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Nakakaramdam ng awkward factor si Isabelle Daza sa tuwing ipakikilala siyang aktres.

Parang hindi raw niya feel dahil mas comfor­table siya bilang host.

Eh kaso pinupuri ang acting niya sa Lihis, isa sa mga pelikulang kasali sa Sineng Pambansa National Filmfest Masters Edition.

At partida pa na hindi siya nag-workshop bago sila nag-umpisa ng shooting sa Lihis.

Isang teacher siya sa pelikula na may research na ginagawa na ang inisip niyang subject ay ang nangya­ring massacre sa lugar kung saan naging biktima ang kanyang ama. Pero nahihirapan siyang makakuha ng mga information dahil walang survivor. May nadiskubre silang isa na hinanap nila para malaman ang lahat ng mga nanyari.

Dahil isang simpleng teacher ang role, binawalan   siyang maglagay ng make up ni Direk Joel Lamangan. “Sanay akong maglagay ng makeup. You will never see me go out na hindi made up. I need my eyelashes, lipstick, and blush. Kaya noong sinabi ni Direk Joel na, ‘Belle, I don’t want you to put makeup,’  doon ako na-challenge.”

Kinailangan din niyang pag-aralan ang mga dialogue niya dahil alam niya kung gaano ka-istrikto si Direk Joel. At ang pagta-Tagalog, ginawa niya ang lahat para ma­ging natural.

Pero inamin naman niyang may mga pagkakataon na napapagalitan siya ng director dahil hindi lahat ng eksena ay take one.

Minsan aniya, umaabot sa take 4. Pero imbes na magalit sa director nila sa Lihis, mas ginagalingan niya. “Si Direk Joel pa naman he wants you to get it sa unang take pa lang. Kapag umabot na ng three takes naiirita na siya. Kaya just imagine how mad he gets kapag ako na ang kinukunan,” sabay tawa ni Isabelle na iisa sa prog­rama sa GMA 7, Eat Bulaga at isa sa GMA News TV na Taste Buddies.

Mother niya sa pelikula ang real mother niyang si Ms. Gloria Diaz. First time niya itong nakatrabaho at nakita niya kung gaano ito ka-professional. Pero hindi ito nagkaroon ng chance na mag-interfere dahil sinabihan siya ni Direk na “don’t listen to your mother, I’m your director.”

May lovescene si Isabelle sa pelikula with Alex Castro. “Pero it was tastefully done, walang nakitang anything,” banggit niya. Wala ang mommy Gloria niya nang kunan ang mga lovescene. Hindi raw siya magi­ging comfortable kung present ang kanyang mommy na Miss Universe.

Mag-uumpisa nang ipalabas ang Lihis sa Sept. 11 sa lahat ng SM theaters.

Grabe ang lovemaking nina Jake Cuenca and Joem Bascon bilang magkarelasyon sa pelikulang ito.

Graded B ng Cinema Evaluation Board ang bagong obra ni Direk Joel.

Weekend shows NG TV5, palaban

Malakas na malakas ang laban ng bagong weekend primetime block ng TV5.

Pinagsama-sama nila sa weekend ang malalaki nilang alaga.

Kasama sa bagong weekend line up ng Kapatid Network na mag-uumpisa na sa Sabado, September 14, ang isang bagong showbiz talk show hosted by Cristy Fermin, Direk Joey Reyes, Lucy Torres-Gomez at Raymond Gutierrez, ang Showbiz Police ang bagong progra­mang mag-iimbestiga, kikilatis at hahatol sa mga pinaka-maiinit na intriga at kontrobersiya sa loob at labas ng showbiz.

Magbabalik naman ang Tropang Trumpo stars na sina Ogie Alcasid at Gelli de Belen sa orig na tahanan ng mga gag shows. Makakasama nila sina Edgar Allan Guzman, Empoy, Alwyn Uytingco, Jasmine Curtis-Smith, Valeen Montenegro, Ritz Azul, Eula Caballero at ang top scholars mula sa Artista Academy, sa Tropa Mo Ko UNLI tuwing Sabado, alas-siyete.

Susundan ito ng buwis-buhay na karaoke challenges sa US game show na Killer Karaoke sa alas-otso at pagsapit ng alas-nuwebe at maki-party kay Edu Manzano sa kanyang bagong late night comedy talk show, What’s Up Doods?

Bukod sa malalakas ang mga artista sa lahat ng programa, ma­ganda ang mga trailer   lalo na ‘yung What’s Up Doods? na ang unang episode ay tungkol sa Kasambahay Law. Talkshow ang expertise ni Edu at matagal din siyang hindi nagkaroon ng ganitong programa kaya marami nag-aabang.

Ang Tropa Mo Ako UNLI, sa TV5 talaga nag-umpisa ang gag show kaya binuhay niya ang programa sa pagbalik ni Ogie sa kanila.

Pagdating ng Linggo, September 15, simula na ang pag­lalakbay si Aga Muhlach sa Pinoy Explorer tuwing alas-sais. At si Bossing Vic Sotto magtatanong na naman ng final answer  tuwing alas-siyete ng gabi sa bagong season ng Who Wants To Be A Millionaire. At kahit nag-iingat ka puwede kang ma-Wow Mali Pa Rin ni Joey De Leon na muling mang-go-good time tuwing alas-otso ng gabi at tuwing alas-nuwebe naman ay may concert hatid ni Megastar Sharon Cuneta at ni Ogie Alcasid sa kanilang unang pagtatambal sa The Mega and The Songwriter.

Naikuwento ni Ms. Wilma Galvante na madali ang na­ging process ng The Mega and The Songwriter. Minsan lang daw nasabi ni Sharon na gusto niyang makatrabaho si Ogie at the following day ok na lahat, nag-brainstorming na sila.

Si Ms. Wilma ang in charge sa mga bagong programa ni TV5.

Pero hindi lang naman daw weekend show sila tututok. May mga plano silang shows for primetime.

BAGONG

DIREK JOEL

LIHIS

MEGA AND THE SONGWRITER

NIYA

PERO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with