Nakakuwentuhan namin si Sharmaine Arnaiz sa set visit ng Binoy Henyo at sinabi nito na natutuwa siya at nakabalik uli sa showbiz kahit tumaba at may asawa’t anak na.
Related kay Dominic Ochoa ang kanyang mister na ang negosyo ay nauukol sa mga pawnshop.
Close siya kay Direk Maryo J. delos Reyes at sinaÂbihang may ibibigay sa kanyang project gaya ng MunÂting Heredera, My Beloved, Magdalena, at ito ngang Binoy Henyo kaya nakapagtrabaho uli siya.
Samantala, magaling na bata si David Remo na bida sa Binoy Henyo. Wala siyang kapaguran sa pagsagot sa mga tanong ng ilang press people na dumaÂlaw sa set.
Magaling din itong mag-memorize ng mga linya kaya nakakasabay sa pag-arte ng mga kasamahang arÂtista. Madali din siyang umiyak at sinabing inaalala lang na kunwari’y namatay ang kanyang mommy.
Napagsasabihan siya ng direktor kapag makulit na.
Tinanong namin kay Binoy kung nagagandahan ba siya kay Ryzza Mae Dizon. Sabi nito ay cute raw pero ang pinakamaganda sa kanya ay ang “Mommy†Sheena Halili niya. Showbiz na rin ang dating niya, ’di ba?
Natuklasan si David sa komersiyal bago pumasok sa showbiz.