Kahit panay ang tanggi ni Claudine Barretto na pag-usapan ang kanyang nakahiwalayang asawa, imbes na mag-no comment kapag natatanong siya tungkol dito ito ay may mga pasaring pa rin siyang sinasabi tungkol sa Kapuso actor na pinapulot ng media. Ang tendency mo tuloy ay mainis na at hangarin na sana matapos na ang kanilang kaso para magkaalaman na kung sino ba sa kanila ni Raymart Santiago ang nagsasabi ng totoo at kung sino ang nagsisinungaling. Siya rin naman ang parang nalulugi dahil sa halip na makapagtrabaho siya ay nauubos ang kanyang panahon sa pagsagot sa mga pangungulit sa kanya ng media.
Eh ang laki-laki pa naman ng ginagastos sa ganÂyang mga demandahan, ’di ba? Buti pa si Raymart, haÂbang umuusad ang kaso ay nakapagtatrabaho pa.
Kapuso aktor hindi kinikilala ng mga Magalona kahit kamag-anak pa
Magtatatlong taon na si Hiro Peralta bilang artista pero kamakailan lamang niya pinalitan ang apelyidong Magalona ng Peralta na matagal din niyang ginaÂmit. Hindi dahil hindi siya isang Magalona, apelÂyido ito ng kanyang ina. Ang Peralta ang apelyido ng kanyang ama. Ang buo niyang pangalan ay Hirojenel Benz Magalona Peralta. Bagama’t totoo naman siyang Magalona dahil ang kanyang ina at ang Master Rapper ay second cousins at malaki rin ang naitulong ng Magalona para madali siyang makilala at matanggap ng tao, nahihiya siyang patuloy na gamitin ang apelyido ng kanyang ina bilang screen name. Kaya siya nagpapakilalang muli sa kanyang bagong pangalan.
Inaamin ni Hiro na hindi close ang pamilya niya sa mga Magalona. Hindi sila ipinakilala sa mga kamag-anak nila sa mother side.
Masaya na si Hiro sa kanyang career. Feel niya may kinapupuntahan naman ito. Malaki ang naitulong ni Direk Gina Alajar para mapahusay ang kanyang trabaho sa Anna Karenina.
Julian sa home study naka-graduate ng high school
Bukod pala sa kanyang pag-aartista ay marami pang pinagkakaabalahan ang 15 taong gulang na si Julian Trono, ang leading man ni Krystal Reyes sa Anna Karenina. Malaking adjustment ang kailaÂngang gawin nito sa nasabing serye dahil may pagÂka-mature na ang role niya, tapos mayroon pa siyang kapareha. Dating mga kiddie roles lang ang ibiÂnibigay sa kanya pero, ngayon may leading lady na siya.
Graduating na sa high school si Julian na nasa isang home study program. Inamin niya na makakatapos siya ng high school sa ganitong proseso. “Hindi naman ako completely hindi pumupunta ng school. Nagpupunta rin ako to get my modules and para mag-exam at kumuha ng quizzes,†imporma niya