^

PSN Showbiz

Pero kapangitan ng Metro Manila nabuyangyang: Pelikula ng buhay ni Pacman ipalalabas na sa mga sinehan, Academy Award winners ang gumawa

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Nakita na naman ang kapangitan ng Metro Manila sa documentary film tungkol sa buhay ni Filipino Boxing Champ at Congressman Manny Pacquiao.

Sure ako sa sinasabi ko dahil napanood ko na ang trailer ng documentary movie na simpleng Manny ang title. Sa umpisa pa lang ng trailer, ang mga bahay ng mga informal settler ang ipinakita ‘no!

Ipalalabas ang Manny sa mga sinehan sa November 2013 na timing na timing sa boxing fight nina Papa Manny at Brandon Rios sa Macau, China. Sosyal ang project dahil ang mga Academy Award winner na sina Leon Gast at Ryan Moore ang direktor ng Manny. Si Liam Neeson lang naman ang narrator ng pelikula. Si Liam na naging favorite actor ko dahil sa kanyang pelikula na Taken na hindi ko kinakasawaan na panoorin kapag ipinapalabas sa cable channel.

Ipapakita sa Manny ang history ng boxing career ng Pambansang Kamao. As himself ang gagampanan ni Manny at ginamit sa documentary movie  ang mga footage ng kanyang mga unang laban noong nagsisimula pa lamang ang paglalaro niya ng boxing.

Magaling ang researcher ng Manny dahil nagalugad nila ang lumang footage ng mga nakaraan na laban ni Papa Manny. Take note, ang linaw-linaw ng mga old footage na nagpapakita kay Papa Manny noong teen-ager pa siya. ‘Yan ang magic ng modern technology.

Starring sa Manny ang lahat ng mga tao na may kinalaman sa buhay ng Pambansang Kamao. Curious akong malaman kung binayaran sila ng produ ng pelikula para sa kanilang mga exposure. Puwede rin na libre ang participation nila alang-alang sa pagmamahal nila kay Papa Manny.

Mga taga-Mundo… hindi halatang walang tulog

Hindi halata na walang tulog ang mga artista ng Mundo Mo’y Akin sa huling episode ng kanilang teleserye na napanood noong Biyernes.

Walang mag-aakala na puyat na puyat silang lahat dahil sa kawalan ng tulog. In fairness sa cast, sariwang-sariwa ang kanilang mga mukha.

Sulit ang pagod at puyat ng cast dahil naging trending topic sa social media ang finale episode ng Mundo Mo’y Akin.

3D concert ni Martin kailangan ng ingay

Favorite singer ko si Martin Nievera kaya tutulungan ko siya sa publicity ng kanyang 30th anniversary concert , ang 3D na mapapanood sa Smart Araneta Coliseum sa September 13.

3D ang pamagat ng Araneta show ni Martin dahil tatlong dekada na siya sa entertainment industry.

Hindi isyu sa akin, kahit hindi ako invited noon sa presscon ng 3D. Mas mahalaga na umingay pa ang anniversary concert ni Martin para lalong mapuno ng audience ang Big Dome.

Dapat at kailangan na maging masaya si Martin sa gabi ng kanyang 30th anniversary show.

Pinay kinoronahang Miss Supranational 2013 sa Belarus

Nagdala ng bagong karangalan sa ating bansa si Mutya Datul, ang Pinay na kinoronahan bilang Miss Supranational 2013.

Huwag n’yo nang itanong sa akin ang relevance ng Miss Supranational dahil hindi ko rin alam. Maging masaya na lamang tayo dahil isang Pilipina ang nag-win ng title at korona.

Naganap ang coronation night ng Miss Supranational noong Biyernes sa Republic of Belarus. Bago rin sa pandinig ko ang bansang Belarus. May nagsabi lang sa akin na Belarusian ang tawag sa mga citizen na Republic of Belarus na napapaligiran ng Russia, Ukraine at Poland.

Mabuti na lang, nanalo si Mutya or else, hindi natin malalaman na may bansa na Belarus ang name.

 

ACADEMY AWARD

BELARUS

DAHIL

MANNY

MISS SUPRANATIONAL

MUNDO MO

PAMBANSANG KAMAO

PAPA MANNY

REPUBLIC OF BELARUS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with