Anytime mommy at daddy handa na sa kasal nina Toni at Direk Paul

Nakikita na raw talaga ng ina ni Toni Gonzaga na si Mommy Pinty na si Direk Paul Soriano na ang makakatuluyan ng panganay na anak. Tanggap na tanggap ng pamilya ni Toni ang direktor kaya nagtagal din ang relasyon ng dalawa. “Ako naman, sa rami nang nanligaw kay Toni, nakita ko kay Paul ‘yung sincerity niya. Dati noong una ay hesitant kami pero sa tagal na rin nila ngayon, nakita ko naman na he is always there for Toni kahit na ano pa. At saka na-meet ko na ‘yung parents niya at nag-i-invite siya kapag may event sa kanila. So maganda naman ang relasyon namin. So kung kami ang tatanungin ni Daddy (Bonoy), gusto na naming siya na talaga ang mapangasawa ni Toni. We want him to be our son-in law,” pahayag ni Mommy Pinty.

Anim na taon na ngayong magkasintahan sina Toni at Direk Paul kaya nakahanda na rin daw si Mommy Pinty kung sakaling magpakasal ang anak. “Ako,  ready anytime. We are prepared already. Sinabi namin sa kanila ‘yon, ‘Sabihin n’yo lang kung gusto n’yo na, kung prepared na kayo. Basta kami susuportahan namin kayo at nasa right age na kayo.’ Kuwento pa ni Mommy Pinty. “Mahirap naman ‘yung matanda ka, mahirap manganak at mag-aalaga ka ng anak mo kung matanda ka na. Ayaw ko naman na ganoon sila. Gusto ko ‘yung makita ko sila na happy family sila,” pagtatapos ng ina ni Toni.

Miles gusto nang pumasok sa University, ayaw ng home study

Matalik na magkaibigan sina Kathryn Bernardo at Miles Ocampo. Ayon kay Miles ay hinding-hindi pa rin daw nagbabago sa kanya si Kathryn kahit sobrang sikat na nito. Hindi man sila magkasama sa mga proyekto na kanilang ginagawa ay nagkakaintindihan naman daw ang dalawa kahit hindi masyadong nagkikita.  “Nagkakaintindihan po kami at sanay po kami na nandoon ang isa’t isa para gumabay, para mag-guide. Best thing about Kathryn is ‘yung dating friend ko na Kathryn, siya pa rin ‘yun hanggang ngayon. Hindi po talaga siya nagbago,” nakangiting bungad ni Miles.

Katulad ni Kathryn ay pinagsasabay din ni Miles ang pag-aaral at ang pag-a-artista. “Actually, I’m having my short course lang pero next year ako mag-u-university, I’ll take theater. Actually, simula bata pa ako, sa regular school na ako at ayaw ko ng home study kasi parang nakakatamad at masaya po kasi may mga classmates, na nae-experience ng normal na tao,” giit ng dalaga. Reports from JAMES C. CANTOS

 

Show comments