May nadagdag na naÂÂmang titulo sa napakaÂraming parangal na nataÂtanggap ng Queen of MulÂti-Media Queen na si Kris Aquino. Mula sa pagiging isang talk show host, ang pinaka-latest na parangal na tinanggap nito ay para sa pagiging travel show host na siyang thrust ng kanyang Kris RealiTV ngayon.
In fairness to Kris, hindi lamang sa abroad siya nagpupunta, lumilibot din siya ng Pilipinas at enjoy siya sa mga tanawing bumuÂbulaga sa kanya at maski na sa pagkain. Kung mapapansin n’yong lumolobo siya ngayon dahil ito sa ginagawa niyang pagtikim ng kanyang mga paboritong pagkain at maging ng mga ngayon lang niya natitikman.
Excited si Kris na mapuntahan ang mga lugar na nagtitinda ng mga murang bilihin. Hindi na ito nakapagtataka dahil para sa isang pumupunta lamang sa mga tindahang nagbebenta ng mga eksklusibong gamit, talagang langit para sa kanya ’yung mapresyuhan ng napakababa, lalo na sa mga lugar ng Quiapo at Divisoria sa Manila.
I’m sure every punta niya sa mga lugar na ganito ay marami siyang nabibiling mga muÂrang bagay, from toys to decors, dresses, shoes, accessories, kitchen utensils, cloths, at maÂrami pang iba.
Barbie gustong magkontrabida
Parehong pagiging kontrabida ang gusto namang sunod na sabakan nina Barbie ForÂteza at Krystal Reyes, dalawa sa mga chaÂracter ng Anna Karenina.
Bagama’t parehong maganda ang mga role na ginagampanan nila sa Anna Karenina, feeling ng dalawang kabataang aktres ay mas mabibigyan nila ng bigat ang kanilang pagganap kung magagalit naman sa kanila ang mga manonood. Okay ito kay Krystal na gustong magpaka-versatile pero marami ang nagpapayo kay Barbie na huwag muna itong subukan sa ngayon dahil baka hindi siya tanggapin ng mga tagasubaybay niya. Magpaka-mature raw muna siya at i-establish ang kanyang sarili bilang bida. Saka na siya magkontrabida kapag matatanggap na siya ng mga manonood sa ibang klase ng roles.
Krystal naman for her part, kahit hindi kontrabida pero gusto niyang mag-try din ng ibang role, tulad nung role ni Barbie na Karen sa Anna Karenina.
Rayver iniaasa ang buhay kay Denise
Isang domestic violence na kinasasangkutan ngayon ng ilang sikat na personalidad ang tampok na kuwento ngayong gabi sa Maalaala Mo Kaya (MMK) na pagbibidahan nina Denise Laurel at RayÂver Cruz.
SPG (Strong Parental Guidance) ang rating ng MMK episode dahil sa maselang tema nito na tungkol sa pang-aabusong pisikal, berbal, at emosyonal na dinanas ng isang misis sa kamay ng lalaking naÂngakong siya ay irerespeto, poprotektahan, at maÂmahalin.
Alang-alang sa kanyang mga anak, nagdesisÂyong magtrabaho si Blythe (Denise) para makatulong sa asawa na si Raymond (Rayver). Ngunit unti-unting nagbago ang takbo ng buhay ng mag-anak nang biglang huminto nang magtrabaho si Raymond at magsimula nang iasa ang lahat ng pangaÂngailangan ng pamilya kay Blythe.