Kamandag ni Andi masisilayan na

MANILA, Philippines - Posible ba ang isang ordinaryong buhay para sa isang ekstra-ordinaryong babae? Anong halaga ng pagmamahal ng isang pamilya para sa isang dalagang walang ibang hangad kundi tanggapin siya ng lipunang ginagalawan niya? 

Ngayong Setyembre, masisilayan na ng TV vie­wers ng ABS-CBN ang makamandag na ganda ni Galema: Anak ni Zuma. Bibigyang buhay ang classic Pinoy komiks character na ito ng Kapamilya actress na si Andi Eigenmann. 

Ang Galema: Anak ni Zuma ay halaw sa sikat na serye sa komiks ni Jim Fernandez na mas naging popular sa masa ng maisapelikula ito noong 1985 at pinagbidahan ng aktres na si Snooky Serna. 

Ngayong 2013, bilang bahagi ng engrandeng pagdiriwang ng ika-60 anibersaryo ng telebisyon sa Pilipinas, muling ipakikila sa TV viewers si Galema: Anak ni Zuma na malapit nang mapanood sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN. Ang inaabangang TV remake ay sa ilalim ng direksiyon ng award-winning at box-office director na si Wenn V. Deramas.

Makakasama ni Andi sa Galema: Anak ni Zuma sina Matteo Guidicelli, Meg Imperial, Sunshine Cruz, Sheryl Cruz, Carlos Morales, Divina Valencia, Lito Legaspi, at ipinakilala si Derick Hubalde bilang si Zuma. 

Eseng ng Tondo buena mano ni FPJ

Muling bubuhayin ang mga walang kamatayang kuwento ng nag-iisang Fernando Poe, Jr. sa ABS-CBN tuwing Linggo (Sept. 8), 10 a.m., sa ABS-CBN sa pagsisimula ng bagong movie timeblock na FPJ, Da King on ABS-CBN tampok ang kanyang mga hindi malilimutang pelikula.

Buena manong ipapalabas sa naturang movie timeblock ang Eseng ng Tondo, ang kwento ng isang pulis na walang pahinga kung magtrabaho kung kaya’t pinagseselosan na ito ng kanyang misis na si Digna (Jenny Syquia) at kinahulugan ng loob ng impormanteng si Elvie (Ina Raymundo).

Sa Setyembre 15, sundan ang misyon ni Sgt. Gani Guerrero sa Kapag Puno na ang Salop sa kanyang paghahanap sa utak ng mga pagpatay sa kanilang lugar, ang mayaman at maimpluwensiyang si Judge Ricardo Valderama (Eddie Garcia).

Saksihan naman ang pagganap ni FPJ bilang isang tapat at simpleng taxi driver sa May Isang Tsuper ng Taxi sa Setyembre 22. Dito pilit tatakasan ni Nanding (FPJ) at ng kanyang kaibigan at kapwa taxi driver na si Teban (Dencio Padilla) ang isang sindikatong gusto silang ipapatay.

Sa Setyembre 29, panoorin sa Batas ng .45 ang kuwento ni Capt. Magsalin, isang pulis na mapipilitang ilagay ang batas sa kanyang mga kamay at papatunayan ang kanyang integridad at dangal matapos tanggalin sa serbisyo.

 

Show comments