Richard wala pang ganang magtrabaho, mas gustong alagaan si Sarah

Meron pa palang apat na pelikula na dapat gawin si Richard Gutierrez sa GMA Films. Sana magawa niya ito dahil successful naman ’yung huli niya na My Lady Boss. Pero bakit tila yata hindi pa bumabalik ang gana ni Chard sa kanyang career?

Totoo ba ’yung tsismis na may anak na sila ni Sarah Lahbati at ito ang pinaggugugulan niya ng panahon ngayon? Just asking.

Indie films na magaganda ‘di napo-promote ng maayos

Napapansin n’yo ba, ang daming magagandang indie movies pero hindi napo-promote? Ako, nanghihinayang dahil ginagastusan din naman ang mga ito pero hindi nakakaabot sa kaalaman ng mga manonood dahil ang maliit na budget nito ay naubos na sa paggawa ng pelikula, walang natira para sa promo.

Mabuti na lamang at may mabubuting kalooban kaya nakakasali ang mga ito sa mga international filmfest na siguradong kapag nanalo ang pelikula sa abroad ay masusuportahan na rito, marami na ang manonood. Hindi naman kaila sa marami na mga malalaking artista na rin ang lumalabas sa mga indie film kaya nagmumukha na rin silang mainstream, ’yun nga lang walang publicity.

Maraming batang artista inuuna ang landi

 Ang mga batang artista ngayon, maaga na ring nakikipagrelasyon. Kaya sa halip na ma-prioritize ang kanilang career ay ang love life nila ang umaagaw ng pansin. Kapag natapos ang relasyon nila, tapos na rin ang career nila.

Sana may mag-advice sa mga kabataang ito kung ano ang dapat nilang unahin at kung bakit sila nag-artista in the first place. Mahirap yatang gumawa ng pangalan na sasayangin lang nila sa maagang pakikipag-relasyon.   

Jake umatras na kay Daniel

Kung dati ay si Jake Vargas ang gustong itapat ng GMA sa pambato ng ABS-CBN na si Daniel Padilla, ngayon ay si Ruru Madrid na. Feeling siguro ng mga nasa likod ng pagtatapat sa dalawang kabataang aktor ay mas may tsansa na makagawa ng rivalry sa pagitan nina Daniel ar Ruru kaysa sa kung si Jake ang itatapat kay Daniel.

In any case, binabati ko ang inaanak ko na si Daniel. Talagang malayo na ang inaabot niya. Credits should go to Karla Estrada sa magandang pagpapalaki nito sa kanyang anak. Sana hindi magbago si Daniel at magpatuloy sa kanyang pagiging mabait na tao.

 

Show comments