Marya aso na lang ang kasama sa bahay

MANILA, Philippines - Tuluyan nang nabaon ang isyu tungkol sa pagkawala ni Maricel Soriano sa serye ni Gerald Anderson na Bukas Na Lang Kita Mamahalin kahit maraming may alam sa totoong nangyari.

Kahapon sa presscon ‘comeback’ movie niyang Momzillas, hindi na ito pinag-usapan.

Pero nasa mood naman si Maricel at wala nang bakas na dumaan sa matinding depression na walang confirmation.

In fact, mas madaldal nga ito ngayon kesa noon. Kahit daw sa shooting nila, kuwento ni Eugene Do­­mingo, over ang kadaldalan ng actress.

 â€œAng daldal, ang daldal! Minsan sabi ko, parang tama na. Keep quiet na muna tayo. Dadaldal pa rin siya. Saka kahit minsan, kahit hindi mo rin siya nakikita, kahit nasa toilet, gusto niya, magdadaldalan kayo.

“’Di ba, minsan, inaantok ka na rin? Ayaw niya, gusto pa rin niya talk show. Wala sigurong kausap ‘to sa bahay. Maya-maya, nalaman ko, wala nga. Si Bella lang, ’yung shihtzu (aso) niya.

“Pero hindi ko babaguhin ‘yun, konting pahinga lang, pause lang, kasi nakakaaliw eh. Para siyang radyo,” kuwento ng komedyana na sunud-sunod naman ang mga pelikulang ipinalalabas.

Showing na sa September 18 ang Mom­zillas na dinirek ni Wenn Deramas for Star Cinema and Viva Films.

Billy nagsalita na sa isyung bading, adik, at may nabuntis pa raw

Wala na sa hitsura ni Billy Crawford na apektado pa siya sa break up nila Nikki Gil.

Nakakapagbiro na ito.

Pero ang hindi niya napalampas ay ang tungkol sa pagli-link sa kanila ni Andi Eigenmann na kasama niya nga rito sa Momzillas.

 â€œNakakahiya lang sa mga kasamahan ko kasi when all the news came out – naging bading ako, naging adik ako, na-link ako sa tatlong babae, ‘yung isa buntis daw, ang masasabi ko lang people have already made their decisions whatever or whoever they are and they will speculate kahit ano’ng mangyari kasi buhay namin, talagang open book lahat ng buhay namin.

 â€œAndi became a friend of mine. Through the film, we became close and it wasn’t Andi’s fault kaya ako I already apologized to Andi, nadadamay siya sa personal life ko and at bilang respeto ko rin sa lahat ng kasamahan ko rito.

 â€œI don’t mean harm from anyone or for anyone. Pero sa totoo lang kaya ayoko nang masyadong magsalita kasi they already made up their mind at hahaba lang. So, I’ve already closed the chapter, closed the book and I’m ready to move on and it’s a blessing to be with these people. That’s all I can say,”  mahabang pahayag ng singer-actor.

Sinasabing si Andi ang rason sa pakikipaghiwalay niya kay Nikki na halata namang hindi pa nakaka-move on sa ginawa sa kanya ni Billy.

Ian Somerhalder naudlot sa Fifty Shades…

Charlie Hunman at Dakota Johnson napiling bida

Maraming disappointed sa naging announcement ng British author ng librong Fifty Shades of Grey na si E.L. James sa napili nilang gaganap na bida na sina Christian Grey at Anastasia Steele sa movie version ng libro. Hindi ito kasi ang inaasahan ng fans.

“I am delighted to let you know that the lovely Dakota Johnson has agreed to be our Anastasia in the film adaptation of Fifty Shades of Grey.

“So... Christian...

“The gorgeous and talented Charlie Hunnam will be Christian Grey in the film adaptation of Fifty Shades of Grey.

“To all the supporters, lovers and haters - thank you so much for the passion that you have for this project. You all rock. All of you,” sabi ni E.L. James na pang-third sa pinakamalaking kinita noong 2012 dahil nga sa nasabing libro.

Kasama sa mga wini-wish ng fans ng romance trilogy book sina Ian Somerhalder at Matt Bomer bilang Christian Grey.

Si Ian Somerhalder ay pumunta na sa bansa nang kunin siyang endorser ng isang clothing line habang ang aktor naman na si Matt Bomer ay naging bida sa White Collar.

Kahapon ay nag-trending sila sa Twitter dahil nga sa request ng fans.

Maraming artista natin ang na-hook sa pagbabasa ng erotic-romance book. Nangunguna diyan sina Anne Curtis at Jessy Mendiola at maging si Ms. Christine Babao.

Kuwento ng isang naïve na college student at isang super billionaire na nagka-inlaban ang libro. Pero exciting ang kuwento nito. Hehehe.

Sa August 2014 naka-schedule ipalabas ang pelikula na ididirek ni Sam Taylor-Johnson.

Ayon sa report ng Reuters ang nasabing nobela ni James ang pinakamabilis na nakabenta ng 1 million copies at kauna-unahan sa trilogy.

Nabili naman ng Universal Pictures and Focus Features ang movie rights nito.

Si Johnson ay anak ng Miami Vice actor na si Don Johnson at ng actress na si Milanie Griffin. Nakasama na siya sa pelikulang The Social Network na bida si Justin Timberlake.

Si Charlie naman ay kasama sa Pacific Rim.

Show comments