^

PSN Showbiz

TV5 tuluyan nang pakakawalan si Willie Revillame, Michael V. sure na sa kanila

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pormal na ipinakilala kahapon sa entertainment editors, columnist, and writers ang President and Chief Executive Officer ng TV5 na nagsimula last June, si Mr. Emmanuel “Noel” C. Lorenzana. Kasamang humarap sa media ang TV5 Chief Entertainment Content Officer na si Ms. Wilma Galvante, ang dating executive ng GMA 7.

Ibinalita nila ang walong bagong programa nila tuwing weekened na mag-uumpisa sa September 14 and 15.

Nasagot na rin nila ang tungkol sa mawawalang programa ni Willie Revillame, anong plano nila kay Ryan Agoncillo matapos tsugihin ang Talentadong Pinoy, ang offer kay Judy Ann Santos, ang pagtanggap ni Michael V. ng programa sa kanila, at marami pang iba.

Opisyal na sinabi ni Mr. Lorenzana na hanggang October na lang talaga ang Wowowillie, ang kanilang noontime show. Wala silang planong mag-produce ng kapalit. Tinanggap daw ni Mr. Manny Pangilinan ang resignation ni Mr. Revillame. “MVP gracefully accepts the resignation,” sabi ni Mr. Lorenzana.

Ayon naman kay Ms. Galvante, nilatagan na nila ng bagong offer si Ryan pero si Judy Ann ay definite na gagawa ng pelikula sa kanila. “Dapat ay may meeting kami, pero nagkasakit si Ryan,” banggit niya.

Si Michael V. naman ay totoong magiging host ng isang weekend program nila na Killer Karaoke, isang franchised show.

Sinagot din ni Mr. Lorenzana, na pinsan ng singer na si Ms. Joanne Lorenzana, na hindi totoong nagbawas ng talent fee ang ibang mga artista nila. “Legally it’s not possible,” sabi niya tungkol sa isyu. Pero sinabi nitong hinainan nila ng dagdag na trabaho para ma-maximize ang talent fee ng kanilang contract stars.

Sinabi rin ni Mr. Lorenzana na dating Executive Vice President and Head of the Wireless Consumer Business ng Smart bago napunta sa Media Quest na wala muna silang planong makipag-head on sa ABS-CBN and GMA 7. Magko-concentrate sila sa mga aspeto kung saan mahina ang dalawang network at doon sila magsisimula.

Tungkol sa poor signal na sinasabi ng marami na dahilan kaya hindi gaanong nagri-rate ang mga programa nila, nagsisimula na raw silang ayusin ito. “Aside from improving content, we’re investing to improve the signal,” sagot ng presidente and CEO ng Kapatid Network na bumalik sa bansa noon para maging president ng NutriAsia - the leading condiments company in the Philippines – pero matagal siyang nag-work sa abroad as Chairman and Managing Director of Unilever Malaysia and Singapore, Managing Director of Home and Personal Care Business for Unilever Philippines, Vice President for the Oral Care Category for Asia and Africa, and Marketing Director for Unilever Shanghai Company, in Shanghai, China.

Naka-line up na ang mga bagong programa ng TV5 na ayon  kay Ms. Galvante ay hindi madaling gawin. “It’s challenging to launch 8 shows in one weekend. Sana suportahan n’yo kami!’

Mag-uumpisa sa Showbiz Police hosted by Raymond Gutierrez, Direk Joey Reyes, Lucy Torres-Gomez and Cristy Fermin.

Showbiz Police will premiere on Saturday, September 14 on TV5.

At sa tradisyon ng Tropang Trumpo, ginawa nila ang Tropa Mo Ko Unli. The original gagsters from Tropang Trumpo, Ogie Alcasid and Gelli De Belen returns sa Tropa Mo Ko Unli. This time makakasama pa nila sina Edgar Allan Guzman, Empoy, Alwyn Uytingco, Eula Caballero, Ritz Azul, Jasmine Curtis-Smith and the top scholars from Artista Academy.

Pasok din every Saturday ang Killer Karaoke, ang US game show na patok na patok. Si Michael V. ang magiging host nito sa local version. “Matagal nang sinasabi ni Bitoy na gusto niyang mag-work sa ibang channel dahil wala naman siyang guaranteed contract. So sinabi ko sa kanyang i-google nila ang Killer Karaoke. Sumagot siya, laugh trip, kaya sinabi ko sa kanyang sa kanya na ang programa,” kuwento ni Ms. Wilma.

At pinakahuling programa nila tuwing Sabado ay ang talk show ni Edu Manzano na What’s Up Doods?

Edu will guest different celebrities and personalities that will be sure to rock Saturdays like never before.

Magbabalik naman every Sunday, September 15, ang Who Wants To Be A Millionaire  hosted by   Bossing Vic Sotto.

Wow Mali, strikes again! Babalik si Joey de Leon sa Wow Mali Pa Rin! 

All new episode ang pagbabalik ng Pinoy Explorer, ang programa ni Aga Muhlach.

Sa unang episode, makakasama niya si Sharon Cuneta, at maging si Derek Ramsay.

At mas pinalakas pa ang line up nila every Sunday ng The Mega and The Songwriter nina Megastar Sharon Cuneta at Ogie Alcasid.

 

KILLER KARAOKE

MR. LORENZANA

MS. GALVANTE

NILA

PROGRAMA

SHOWBIZ POLICE

SI MICHAEL V

TROPA MO KO UNLI

TROPANG TRUMPO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with