^

PSN Showbiz

Mas kinilala pa sa abroad: Effort nina Piolo at Gerald hindi na-appreciate ng mga Pinoy

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Alam mo, Salve A., hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga handa ang moviegoing public na muling i-patronize ang mga locally-produced action film tulad ng palabas ngayong action-suspense movie na On the Job na tinatampukan nina Piolo Pascual, Gerald Anderson, at Joel Torre at dinirek ni Erik Matti for Reality Entertainment at Star Cinema.

 Ang nasabing pelikula ay hinangaan sa ika-66th Cannes International Film Festival sa France at sa 2013 Puchon International Fantastic Film Festival sa South Korea kung saan pinarangalang best actor si Joel Torre.

Napakalaking risk ng sinuong ng Reality Entertainment at Star Cinema in producing the movie na umabot umano ng P50 M ang ginastos.

Taong 1997 nang lumamlam ang industriya ng pelikulang Pilipino at ang local action movies ang unang tinamaan. Since then, hindi pa rin ito nakakabawi kaya maraming industry workers ang na-displace at mawalan ng trabaho including action directors and action stars/actors.

Gaano man kaganda ang pagkakagawa ng pelikula kung wala naman commercial success, nakakahinayang.

Kung hindi man pumatok sa takilya ang unang action movie nina Piolo at Gerald, tiyak na may market ito sa ibang bansa at balak pa umano itong i-remake sa Hollywood na tatampukan ng Hollywood stars plus the fact na binili na rin ito for distribution abroad ng tumatagingting na $350,000. What is sad lang, hinangaan ang pelikula ng mga banyaga pero hindi ng mga Filipino moviegoer.

Side A at iba pang malalaking banda nagkaroon ng bagong venue na tutugtugan

Ang The Crowd Bar ang pinakabagong entertainment venue na matatagpuan sa may Madison Square, Mandaluyong City. Kahit bago pa lamang ang nasabing music bar ay dinarayo na ito ngayon ng mga entertainment enthusiast dahil pawang mga kilala at mahuhusay na performers ang regular na nagpi-perform doon tulad ng Side A band at iba pa. This September ay nakatakdang magtanghal doon sina Luke Mejares, Juris, MYMP, at Joey Generoso (of Side A).

Bukod sa music lovers, natutuwa rin ang kilalang singers and performers dahil nagkaroon sila ng additional music outlet na pagtatanghalan para lalong mapalapit sa kanilang mga tagahanga at hindi na kailangang dumayo pa sa malalayong lugar.

ANG THE CROWD BAR

CANNES INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

ERIK MATTI

GERALD ANDERSON

JOEL TORRE

JOEY GENEROSO

LUKE MEJARES

REALITY ENTERTAINMENT

SIDE A

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with