^

PSN Showbiz

Boses na mangingibabaw inaabangan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nalagasan na ng tig-iisang miyembro ang apat na teams ng top-rating at Twitter-trending na The Voice of the Philippines at ngayong Linggo (Sept. 1), susunod na aawit para sa kanilang mga pangarap ang panibagong batch ng 12 artists para umapelang iligtas ng publiko at ng kanilang coaches.

Haharap sa isa na namang matinding Live Show sina Janice Ja­vier (I Believe I Can Fly), Tristhan Perfecto (When I Was Your Man), at Penelope Matanguihan (Ordinary People) para sa Team Apl; at sina Yuki Ito (A Song for You), Klarisse de Guzman (Beggin), at Maki Ricafort (Without You) naman para sa Team Sarah.

Magtatapatan naman sina Isa Fabregas (You’ve Got a Friend), Paolo Onesa (You Give Me Something), at Angelique Alcantara (Nobela) para sa Team Bamboo, at sina Mitoy (Don’t Stop Me Now), Diday Garcellano (Rumor Has It), at Kimpoy Mainit (Hallelujah) para sa Team Lea.

Tutukan ang live performances at iboto ang inyong pambatong artists dahil habang commercial break lamang bubuksan ang botohan sa publiko.

Iniligtas naman ng taongbayan at ng coaches nila sa unang Live Show noong nakaraang linggo sina Thor Dulay at Jessica Reynoso ng Team Apl; Morissette Amon at Eva Delos Santos ng Team Sarah; sina Myk Perez at Lee Grane ng Team Bamboo; at Darryl Shy at Radha ng Team Lea.

Sinu-sino sa nalalabing artists ang tuluyan nang magpapaalam sa kumpetisyon at mawawalan ng pagkakataong tanghaling The Voice of the Philippine? Kaninong boses kaya ang mangingibabaw para sa publiko at sa kanilang coaches?

Patuloy namang kilalanin ang artists at ang mga kuwento sa likod ng kanilang mga pangarap ngayong Sabado (Agosto 31) sa Life Show.

 

A SONG

ANGELIQUE ALCANTARA

DARRYL SHY

DIDAY GARCELLANO

LIVE SHOW

TEAM

TEAM APL

TEAM BAMBOO

TEAM LEA

TEAM SARAH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with