^

PSN Showbiz

P10-B pork barrel scam, hihimayin ni Ted

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hihimayin ni Ted Failon ang kontrobersyal na P10 billion pork barrel scam na kinasasangkutan ng negos­yanteng si Janet Lim-Napoles at ilang mga mambabatas ngayong Sabado (Agosto 31) sa Failon Ngayon.

Kasama ring iimbestigahan at babalikan ng programa ang ilan pang kontrobersiyal na katiwalian sa paggastos ng pork barrel sa mga nagdaang taon na hanggang ngayon ay hindi pa rin tuluyang nalulutas. Ilan diyan ang P321 million Jose Pidal account scandal, General Garcia at Ligot scam, P728 million fertilizer fund scam, NBN-ZTE scandal, at P111 billion ‘bridges to nowhere’ scam.

Ang pangamba ng taong ba­yan, hindi kaya kagaya ng mga anomalyang ito ay maging usad-pagong din ang imbestigasyon sa P10 billion pork barrel scam?

Samantala, mula naman sa P10 billion pork barrel scam ay bubusisiin ni Ted ang planong pagkaltas ng administrasyong Aquino sa P6 milyong subsidiyang galing sa kaban ng bayan para sa MRT (Metro Rail Transit) at LRT (Light Rail Transit).

Umusbong ang mga debate at puna sa planong ito ng gobyerno na tiyak na magbubunsod ng taas-pasahe. Giit ng marami, hindi dapat bawasan ang subsidiya sa transportasyon ng mga ordinaryong mamamayan ga­yung ang budget ng Pangulo sa pagbiyahe sa labas o loob man ng bansa ay halos P1 milyon kada araw. Halagang P8.7 bilyong piso naman ang inilalaan para sa pagbiyahe ng iba pang opisyal ng gobyerno kada taon.

Panoorin ang mas matapang, mas walang takot at mas matinding Failon Ngayon ngayong Sabado (Agosto 31), 4:45 p.m., pagkatapos ng SOCO sa ABS-CBN.

AGOSTO

FAILON NGAYON

GENERAL GARCIA

JANET LIM-NAPOLES

JOSE PIDAL

LIGHT RAIL TRANSIT

METRO RAIL TRANSIT

SABADO

TED FAILON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with