Kathryn ayaw makipaghalikan kay Daniel!
Isang linggo nang pinakikilig ng teleseryeng Got to Believe ang mga manonood. Pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang nasabing bagong proyekto ng ABS-CBN. Ayon kay Kathryn, mas magaan itong bagong serye kumpara sa kanyang mga nagawa noon.
“Siguro sa amin with Got to Believe, ipo-focus namin more on romance na siya. Feeling ko magiÂging mas kilig na talaga lalo sa teens and sa lahat. Of course with Direk Cathy Garcia-Molina, sinisiguro namin na effortless kilig, hindi masyadong effort na effort na kilig. ’Yung parang natural lang talaga,†nakangiting pahayag ni Kathryn.
Handa na kayang gumawa ng kissing scenes ang dalaga lalo pa’t romance ang tema ng kanyang bagong serye?
“Wala pa po sana. Hindi pa ako ready,†natatawang sagot ni Kathryn.
“Hindi ko po sure talaga pero let’s see. I’m not sure kasi bawal pa talaga kapag under eighteen (years old), eh seventeen years old pa lang ako. So, safe po ako, huwag pa sana. Hindi pa rin siguro ako ready kasi masyado pang maaga at saka marami pang puwedeng gawin. Huwag muna ’yun,†dagdag pa niya.
Halos araw-araw magkasama sina Kathryn at Daniel sa trabaho kaya ito na rin ang nagsisilbing bonding time ng magka-MU (mutual understanding) sa totoong buhay.
Dawn sa direktor umasa para maiba ang pagiging ina kay Gerald
Magsisimula na sa Lunes ang pinakabagong teleserye ng Kapamilya Network na Bukas na Lang Kita Mamahalin. Pinagbibidahan ito nina Gerald Anderson, Dawn Zulueta, Cristine Reyes, at marami pang iba. Matatandaang si Maricel Soriano dapat ang kasama ni Gerald sa nasabing soap opera kaya masayang-masaya si Dawn na siya ang ipinalit ng management para rito.
“Well, hindi ko ini-expect na ganito ka-soon na I start working again pero ’yun nga, nangailangan ’yung network ng kapalit for Maricel. Nahiya naman akong magsabi na ‘Ay! Hindi puwede.’ Exciting kasi it’s a different kind of role naman that I’m portraying, quite different from what I’ve done in the past, Mula sa Puso and Walang Hanggan. And this time naman I’m fighting for the kalayaan ng anak ko. So, another heavy drama,†pahayag ni Dawn.
Hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na gumanap ang aktres bilang isang ina sa serye kaya pinaghandaan talaga ni Dawn ang kanyang role para maiba sa kanyang mga nagawa dati.
“Pinag-aralan ko lang nang mabuti ’yung character, parang what drives the character. I rely on our directors, very good kasi si Direk Jerome (Pobocan). He helped me also in creating the character. Binigyan niya ako ng mga peg ng movies na pinanood ko, TV shows, para ipakita lang niya sa akin na ganito si Zenaida (karakter ni Dawn). Sometimes it’s something that I just don’t do. I need the help of the directors and the creative team also,†paliwanag ng aktres. Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest