Parehong pumiyok: Kris laging binibitin ni Apl.de.Ap
MANILA, Philippines - Puwede kayang maging sina Kris Aquino at ng member ng Black Eyed Peas na si Apl.de.Ap?
Kahapon sa Kris TV ay guest si Allan Pineda (apl.d.ap) at nagbibiruan sila na parang madalas silang magkita.
Say ni Kris lagi raw late ang rapper at pinaghihintay sila.
‘Yun pala totoo, ilang beses na sanang pupunta sa bahay nila ni Kris ang rapper pero lagi raw itong late so hindi na pinatutuloy ni Kris.
May part pa na tinanong ni Kris ang nanay ng rapper kung may GF ang anak, pinatatanong daw ni Bimby?
Wala naman daw sagot ng nanay.
So puwedeng maging sila?
Matagal-tagal na rin nali-link ang dalawa.
LJ nagsalita na sa nangyari sa kanila ni paulo, at sa ‘relasyon’ nila ni JC
Walang napulot na info kahit katiting kay LJ Reyes tungkol sa kanila ng boyfriend at ama ng anak niyang si Paulo Avelino.
Patangu-tango lang siya nang taÂnungin namin tungkol sa aktor na parang ang ibig sabihin ay wala naman silang problema pero pinanindigan niyang ayaw niyang magsalita or magkuwento tungkol sa set up nila ng aktor matapos mapabalita noon na naghiwalay na sila.
Pero itinanggi niya ang tungkol sa isyung sila na raw ni JC de Vera. “Paano nangyari ‘yun. Baka nakita lang nila kaming magkasama. Magkaibigan talaga kami ni JC, noon pang nasa GMA 7 siya. Nag-uumpisa pa lang kami noon, pero wala talaga,†banggit ng aktres sa isang kuwentuhan kagabi sa may MoÂrato area.
Wala raw ibig sabihin kung makita man silang magkasama.
Samantala, panay ang gym ni LJ kaya pumayat na siya at may shape na ang braso niya. Sa gym daw siya naglalagi kung walang ginagawa.
Ngayon ay kontrabida siya nina Kris Bernal at Aljur Abrenica sa balik-tambalang serye ng dalawa na Prinsesa ng Aking Buhay na ipalalabas bago mag-24 Oras next month.
So happy na ba siya na hanggang kontrabida lang ang ibinibigay na role sa kanya ng GMA 7?
“Wala naman talaga akong pangarap na maging bida. Kung baga, happy na ako basta meron sa aking binibigay na trabaho. Kahit noon hindi ko naisip na maging bida. Ok na ito,†sabi niya.
Eh kumusta naman ang anak nila ni Paulo? Three years old na ang bagets at nag-i-school na raw ito.
Kuwento niya pa marunong na itong manita. “Pag darating ako sasabihin niya ‘San ka galing mommy.’ Ganun na siya.â€
So tinatanong din ng bagets ang daddy niya kung bakit parati ring wala? Tawa ang sagot ni LJ. “Wala kayong makukuha sa akin, hahaha. Wala akong sasabihin.â€
Gretchen hindi nagpaapekto sa mga multo
Buong tapang na sinuong ni Gretchen Barretto ang shooting sa abandonadong gusali ng Diplomat Hotel sa Baguio City na malaki ang bahagi sa unang directorial job ni Christopher Ad Castillo, anak ng yumao at magaling na director na si Celso Ad Castillo, sa 2013 Cinemalaya movie niyang The Diplomat Hotel.
Marami na kasing nakakatakot na kuwento ang kumakalat sa syudad tungkol sa mga espirito na dumano’y nakapaloob at namamasyal-masyal sa hotel. Pero hindi naging dahilan ‘yun upang matakot si Gretchen na tanggapin ang kanyang unang indie movie.
Isang news reporter ang role ni Greta sa TDH. Pumalpak siya sa isang assignment na ginawa niya sa isang hostage crisis kaya nagkaroon siya ng nerÂvous breakdown at nagpahinga ng isang taon. Sa muli niyang pagbalik sa trabaho, gusto niyang makabawi sa kapalpakan pero ang paggawa ng documentary sa huling gabi ng Diplomat Hotel ang tanging assignment na naibigay sa kanya.
Sa kalagitnaan ng kanyang trabaho sa loob ng abandonadong hotel, sumambulat sa kanya ang nakakatakot na hiwagang pumapaloob sa gusali na bumiktima sa kanilang lahat!
Sa totoo lang, kinabiliban ng co-stars at staff ng movie ang pagiging trouper ni Gretchen habang sinu-shoot ang movie sa loob ng lumang hotel. Kahit na nga may nagsasabi sa kanyang may mga multo sa loob ng hotel, hindi niya alintana ang mga kuwentong nakakarating sa kanya.
Eh, sa totoo lang, may naranasan na rin kaÂsing nagpapatayo ng balahibo ng mga staff at crew habang nagsu-shooting sila sa location. Maging sa mga kuha ng cameraman ay may mga anino silang nakikita sa mga shots nila na hindi naman kasama sa eksena.
Gayunpaman, never naapektuhan si Gretchen sa mga chikang ‘yon. Basta go siya ng Baguio na well-prepared sa eksenang gagawin. Wala rin siyang pakialam kung marumi ang paligid ng trabaho. Gusto niya ang project kaya ngaragan man ang trabaho, walang salitang narinig sa kanya.
No wonder, hat’s off nga ang lahat sa dedikasyon ni Gretchen sa movie. Pinalakpakan rin siya sa mga mahihirap na eksena kahit mainit at madumi sa loob ng hotel.
“It’s my first indie movie so I have to give everything!†rason ni Gretchen.
Sa totoo lang, nang ipalabas sa Cinemalaya ang The Diplomat Hotel, ramdam na ramdam ang takot sa bawat eksena at gayundin ang paghanga kay Gretchen kahit nawala ang poise at beauty niya sa mga nakakawindang na eksena.
Magkakaroon ng commercial run ang The Diplomat Hotel sa September 4, 2013 sa maraming sinehan sa Metro Manila.
- Latest