MANILA, Philippines - Iba-iba ang kanyang ginamit na pangalan tuwing siya ay sasali sa mga beauty contests: Heart, Iya, Kim. Pero ngayon ay kilala na siya sa buong sambayanan bilang grand winner ng Super Sireyna: Queen of Queens.
Siya si Francine Garcia.
Sa darating na Sabado, samahan natin si Mel Tiangco sa kanyang pakikipagkuwentuhan kay Francine. Tuklasin natin ang kaniyang mga pangarap, at ang mga pangyayari sa kanyang buhay na humubog at tumulak sa kanya para maging isang Super Sireyna.
Paano nga ba tinanggap ng kanyang pamilya ang pinili niyang landas? Ang kanyang desisyon na maging isang tunay na babae? At anu-ano ang kanyang pinagdaanan sa kanyang buhay bago niya nakamit ang tagumpay sa sinalihang beauty contest ng Eat Bulaga?
Alamin sa Ang Unang Lipad ni Super Sireyna: The Francine Garcia Story, ngayong Sabado sa Magpakailanman, featuring Francine Garcia sa kanyang kauna-unahang starring role, with Rita Avila, Jordan Herrera, and Boy 2 Quizon; sa ilalim ng masugid na direksyon ni Maryo J. delos Reyes, sa panulat ni Senedy H. Que, base sa pananaliksik ni Angel Lauño.