Kahit hapi si Heart Evangelista bilang girlfriend ni Sen. Chiz Escudero ayaw pa niyang wakasan ang kanyang single blessedness para magpakasal sa pulitiko. Makapaghihintay daw ang marriage pero gusto niyang enjoyin muna ang career niya. SoÂbrang busy ito with TV and films para isipin ang pag-aasawa. Naniniwala rin ito na mahihintay siya ng kanyang nobyo.
Abala rin ito sa kanyang pagpipinta. Ang gaganda ng mga ipinipinta ni Heart kaya alam mong maligaya siya sa piling ng senador na karelasyon.
Bianca idinidisplay kay Rafael ang bagong bf
Marami ang nanghihinayang sa ‘di pagÂkakatuloy ng romansang Rafael RoÂsell at Bianca King. Obvious daw kasi na may chemistry ang dalawa. May mga laÂrawan ng ipinost si Bianca sa kanyang InsÂtagram account na kasama ang kanyang bagong karelasyon. Napaka-sport naman ni Rafael para hayaang maapektuhan ang relasyon ng aktres. Buti na lang daw hindi pa siya nagsisimula sa kanyang panliligaw. Baka ‘yun naman ang dahilan kaya nakipagrelasyon sa iba ang aktres, dahil wala itong aasahan sa aktor?
Charice ginugulo
Bakit parang ayaw nating tanggapin na may magandang career outside of the country si Charice? Eh, totoo naman! Naapektuhan ba kayo ng kanyang kasikatan o ng kanyang pagiging tibo? Hindi laÂmang naman siya ang unang tibo na Pinoy na lumantad. Let’s just be happy for her, nagbibigay naman siya ng dangal sa bansa. Ayaw n’yo ba na nagpapaka-totoo siya? Mas feel n’yo ba na sana ay itinago na lang niya? Magulo kayo hah!