Asin nakakabulabog ng bad spirit!­

MANILA, Philippines - May dalawang utol na lalake ang Diamond Star na si Maricel­ (Marya)Soriano. Si Mikey ay nasa dress designing at garments.  Ang bunso nilang si Mel (Martinez) na dating childstar ay may-ari na ng sariling restaurant na Cucina ni Bunso. Dinarayo talaga ang kainan ni Mel. 

Panoorin ang Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) ngayong Sabado alas-nuwebe hanggang alas-diyes ng umaga sa GMA News TV dahil ipakikita si Mel habang nagluluto ng mga sikat na pagkaing tulad ng seafood kare-kare, beef caldereta, chicken ni Mel, Meliton’s spring rolls, at ang bestseller na binagoongang baboy na sariling recipe ni Chef Bunso.

Samantala, may interbyu naman si Mader sa isang eksperto sa Home Detox na isang proseso ng pag-aalis ng bad toxins sa bahay at gagawin itong maaliwalas, masuwerte at masarap uwian.

Sa pamamagitan ng elementong hangin, tubig, apoy at lupa ay magbabago ang bahay at pati     inyong bahay. Ipakikita rin na ang paglalagay ng asin sa may pintua’y nakakabulabog ng bad spirit.

Bibisita rin si Mark Anthony Bustos upang isalaysay ang ginhawang nakamit mula nang maging suki siya ng MX3 Capsule, coffee, and tea.

Ang GRR TNT ay hatid sa inyo tuwing Sabado ng ScriptoVision.

Show comments