Jewel Mische nawalan ng career sa Kapamilya
Curious ang marami kung bakit walang nangyayari hanggang ngayon sa career ng ex-GF ni Richard Gutierrez na si Jewel Mische na isa na ring Kapamilya matapos nitong layasan ang kanyang dating home studio, ang GMA.
Sa mga transferees from GMA to ABS-CBN, tanging si Jewel lamang ang hindi umangat-angat ang career considering na binigyan ito ng magagandang projects ng Kapamilya network.Bakit kaya, Salve A. samantalang kinakitaan si Jewel ng potential na maging isang major star?
Juday at Ryan wala pa ring desisyon kung saan pipirma ng kontrata
Hanggang ngayon ay nakabitin pa rin ang desisyon ng TV soap opera queen na si Judy Ann Santos kung ito’y mananatiling Kapamilya o lilipat na siya sa ibang TV network dahil parehong may standing offer sa kanya ang GMA at TV5.
Sa pagtatapos ng pinakamaiksing teleserye ni Juday, ang Huwag Ka Lang Mawawala, hindi naitago ng misis ni Ryan Agoncillo ang kanyang hinampo sa kanyang home studio na kanyang kinabilangan ng mahigit dalawang dekada.
Hangga’t hindi pumipirma si Juday ng bagong kontrata ay nanatiling palaisipan kung aling TV station ang kanyang papaboran. Nagkataon naman na ganoon din ang sitwasyon ngayon ng mister ni Juday na si Ryan Agoncillo na wala pa ring final decision kung mananatili siya sa TV5 o balik-GMA siya.
Maraming shows ng TV5, tatapusin na
Maraming existing programs ng TV5 ang mawawala at papalitan ito ng mga bagong programa. Nagpaalam na sa ere ang five-year-old reality talent search na Talentadong Pinoy hosted by Ryan Agoncillo. Hanggang Oktubre na lamang sa taong kasalukuyan ang daily noontime show ni Willie Revillame, ang Wowowillie at mawawala na rin ang gag show na Lokomoko U at papalitan ito ng bagong gag show na pangungunahan nina Ogie Alcasid at Gelli de Belen, ang TropaMoKo na spin-off ng Tropang Trumpo ng old ABC-5 kung saan sina Ogie, Michael V., Gelli, at iba pa ang mga tampok ng bituin. Magkakaroon din ang Singko ng bagong showbiz-oriented talk show, ang Showbiz Police kung saan ang mga hosts ay binubuo na Cristy Fermin, Rep. Lucy Torres-Gomez, Direk Joey Javier Reyes, at ang bagong lipat na si Raymond Gutierrez. Dalawa ang bagong show ng megastar na si Sharon Cuneta, ang comedy show na Madam Chairman at ang musical show nila ni Ogie Alcasid, ang The Megastar and the Songwriter habang tatlo naman ang bago show ni Ogie at kabilang na rito ang teleseryeng The Gift na didirek ni Mike Tuviera.
Dahil sa pamumuno ng bagong management ng TV5 na pinamumunuan ngayon ni G. Noel Lorenzana at dating GMA lady executive na si Wilma Galvante, maraming mga pagbabago ang inaasahang mangyari sa TV network ng business tycoon na si Manny V. Pangilinan.
Salpukan!
Bibihira na talaga Salve A. sa mga pelikulang lokal ang nagsasalpukan sa takilya dahil kakaunti na lamang ang mga locally-produced movies maliban na lamang kapag dumarating ang Metro Manila Film Festival kung saan pito hanggang walong pelikula ang sabay-sabay na palabas at naglalaban-laban. Pero ito’y nangyari last Wednesday (August 28) nang sabay na ipalabas ang On the Job na jointly produced ng Star Cinema at Reality Entertainment at pinagbibidahan nina Piolo Pascual, Gerald Anderson, at Joel Torre at dinirek ni Erik Matti at ang Instant Mommy ni Eugene Domingo na produced ng Quantum Films at ni Kris Aquino.
Malaki ang kaibahan ng dalawang pelikula dahil bukod sa malaki ang budget ng OTJ at ito’y binubuo ng major cast, bugbog sa print and TV plugs ang nasabing pelikula kumpara sa pelikula ni Uge (Eugene Domingo), ang Instant Mommy. Kumbaga, Uge’s movie ay parang David against the Goliath (OTJ). Pero ang moviegoing public ang huhusga.
- Latest