^

PSN Showbiz

Matapos palakpakan ng mga Kano sa Beacon Awards, Charice nilalait pa ng mga kababayan

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Imbes na purihin at pinalakpakan ng mga Amerikano na pag-awit ni Charice ng US National Anthem sa Major League Baseball Beacon Awards sa Chicago noong August 24, mga panglalalit ang natanggap ni Charice mula sa mga kapwa Pilipino. Sad fact.

SCENE: Patuloy na sinusuway ni Claudine Barretto ang gag order ng korte dahil sa pagsasalita niya sa media laban sa asawang si Raymart Santiago. No one should be above the law.

SEEN: Baby boy ang panganay na anak ni Michael Buble na isinilang noong August 27. Na-link si Michael sa aktres na si Kristine Hermosa nang magkaroon siya ng concert sa Pilipinas noong 2004.

SCENE:  â€œPaano isinelebrate ang 40th day ng pagpanaw ng kanyang ina” ang maling tanong kay Kim Chiu ng isang reporter. Ginugunita at hindi ipinagdiriwang ang pagpanaw ng isang tao.

SEEN: Star-studded ang 46th birthday party ni Ogie Alcasid sa Wil’s Events Place noong Martes. Nag-perform sa party ni Ogie ang dating magkakaibigan na nagkaalitan at nagkasundo, sina Willie Revillame, Randy Santiago, at John Estrada.

SCENE: Umaapela sa ABS CBN ang fans ni Matteo Guidicelli para ilagay sa primetime slot ang bagong TV project nila ni Andi Eigenmann, ang Galema, Anak ni Zuma.

SEEN: Nagsimula na ang training ni Congressman Manny Pacquiao para sa laban nila ni Brandon Rios sa Venetian Macau sa November  24.

SCENE:  Matunog na “Direk” ang tawag ni Krista Miller kay Cesar Montano ngunit hindi niya mabanggit sa mga interview ang pangalan ni Sunshine Cruz. Maarte much.

ANDI EIGENMANN

BRANDON RIOS

CESAR MONTANO

CHARICE

CLAUDINE BARRETTO

CONGRESSMAN MANNY PACQUIAO

EVENTS PLACE

JOHN ESTRADA

KIM CHIU

KRISTA MILLER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with