Claudine at Raymart nag-asaran sa korte

PIK: Nagkaroon ng story conference ang bagong afternoon drama series ng GMA 7 na Bayarang Puso na pagsasamahan nina Heart Evangelista at Sid Lucero.

Kasali rin ang bestfriend ni Heart na si Alessandra de Rossi pero ang dinig namin ayaw daw nito ng kontrabida role sa mga drama series na gagawin niya.

PAK: Nagkairitahan na sina Raymart Santiago at Claudine Barretto sa korte nang muli silang magharap sa hearing ng Temporary Protection Order na dininig sa sala ni Judge Geraldine Macaraeg ng Marikina Regional Trial Court.

Si Claudine ang unang isinalang na kung saan na-cross examine ito ng abugado ni Raymart. Napansin daw ng aktres na nangmi-make face si Raymart kaya isinumbong niya ito sa judge.

Sabi naman ni Raymart, nagri-react lang daw siya sa mga sagot ni Claudine, pero hindi raw siya nagmi-make face.

Pero sabi ni Claudine nabu-bully daw siya ng kampo ni Raymart sa loob ng korte. “Kaya naman. May Anti-Bullying naman eh,” pakli ni Claudine.

Nagtataka lang kami, bakit kinukuwento ito ni Claudine sa media pagkatapos ng hearing na dapat ay tahimik lang dahil sa gag order.

BOOM: Kinulit si Regine Velasquez ng mga reporters sa birthday party ni Ogie Alcasid na ginanap sa Wil’s Place kamakalawa ng gabi. Pero ayaw niyang idetalye ang kalagayan ngayon ng kanyang amang si Mang Gerry na nasa hospital pa rin hanggang ngayon.

Matanda na raw ang ama niya, at hindi maiwasang nagkakasakit. Pero ayaw nang pag-usapan ni Songbird kung ano talaga ang sakit ng kanyang ama.

Sabi naman ni Ogie, maaring bukas ay malalaman kung effective ‘yung isang proseso na ginawa kay Mang Gerry. Hindi naman nila dinetalye kung ano talaga ang karamdaman nito, basta patuloy pa rin silang humihingi ng dasal na malagpasan ito ng kanilang ama.

                                                               

 

Show comments