^

PSN Showbiz

Jake napagkamalang totoong machong bakla

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mukhang tama ang desisyon ng Star Magic actors na magpaka-daring  sa pelikulang Lihis dahil pinupuri-puri sila ha.

Nagsimulang mapansin ang acting ni Jake Cuenca sa Kapag Puso’y Sinugatan at Kung Ako’y Iiwan Mo at sa pelikulang In The Name of Love kung saan he portrayed the role ng isang masunuring anak ng pulitiko na na-in love sa Japayuki (Angel Locsin). Nanalo siya ng award sa said movie - Star Awards for Movies Best Supporting Actor at napansin din siya sa Gawad Urian.

At sa katatapos na Cinemalaya Filmfest, napanood si Jake sa pelikulang Nuwebe na incidentally ay ipapalabas sa Montreal World Film Festival.

Pero sa Lihis, bigay na bigay si Jake bilang macho gay fighting for our country’s freedom during the time of  Martial Law while also fighting for his love for Joem Bascon who is also an NPA and got married to the cha­racter played by Lovi  Poe.

Kaya naman sa mga nakapanood na sa pelikula, pinuri nila si Jake at nagkaroon ng impression na Jake ayprobably gay sa totoong buhay na siyempre ay parang malayo namang mangyari dahil ang dami naman niyang naging syota. Kaya lang hanggang natapos na nila ang pelikula, wala silang inamin ni Lovi kahit maraming may alam na naging sila.

Anyway, ang Lihis ay part of the All Masters Series Film Festival of Sineng Pambansa. Sinulat ito ni Ricky Lee and directed by Joel Lamangan. Produced ito ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) at BG Productions International of Ms. Baby Go.

Bukod kina Jake at Joem kasama rin sa pelikula sina Isabelle Daza and Ms. Gloria Diaz at sina Raquel Villavicencio, Lloyd Samartino, Jaime Pebanco, Tony Mabesa and Alex Castro.

May premiere night ito on September 8 at  7:00 p.m. sa SM Block Cinema 2. It will be shown exclusive at all SM Cinemas nationwide from September 11-17.

Serye ni Gerald tuloy na tuloy na

Ay mapapanood na pala sa Setyembre 2 (Lunes) ang  Bukas Na Lang Kita Mamahalin na pinangungunahan ng action-drama prince na si Gerald Anderson at award-winning actress na si Dawn Zulueta.

Bibigyang buhay nina Gerald at Dawn sa Bukas Na Lang Kita Mamahalin ang mga karakter ng mag-inang sina Miguel at Zenaida Dizon na sabay daranas ng matinding pagsubok dahil sa isang malagim na krimen at kapwa gagawin ang lahat para mabigyang hustisya ang kanilang pamilya.

Sa ilalim ng direksyon nina Jerome Pobocan at Trina Dayrit

Walong Indie Films pasok sa CineFilipino Film Festival sa Setyembre 18-24

Tuloy na sa Setyembre 18-24 ang CineFilipino Film Festival na ino­­r­ganisa ng PLDT-Smart Foundation, MediaQuest, Studio 5 at Unitel Entertainment. Walong indie films at sampung maiikling pelikula ang ipapalabas sa festival na ito.

Ipapalabas ang mga pelikulang kasali sa Newport Cinemas ng Resorts World Manila, Lucky Chinatown Mall at Gateway Cine­plex, samantalang sa Setyemre 21-22 maaaring ma­panood ng publiko ang mga pelikulang kasali sa Shangri-la Plaza Mall.

Ilan lang ang Au­dience Choice Award at Best Acting Ensemble sa maaaring maiuwing award ng mga pelikulang mananalo.

Kim walang interes sa OTJ ni Gerald hindi mahilig sa action

Walang kaplanu-plano si Kim Chiu na panoorin ang pelikulang OTJ na ang isa sa mga bida ay ang ex niyang si Gerald Anderson. Say ni Kim hindi siya mahilig sa action. “Hindi po ako mahilig sa hard action. Gusto ko feel-good, saya-sayahan,” sagot ni Kim nang mag-presscon siya sa Wansapanataym.

Sayang mami-miss ni Kim kung gaano ka-hot si Gerald sa pelikulang ito.

In fact, ang daring ni Gerald sa love scene nila ng starlet na si Dawn Jimenez na nagpakita ng boobs.

Anyway, mula sa kanyang markadong pagganap sa mga top-rating primetime teleserye tulad ng Ina, Kapatid, Anak at My Binondo Girl, at sa blockbuster movie niyang Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo, bibigyang buhay naman ni Kim sa Wansapanataym Presents My Fairy Kasambahay ang karakter ni Elyza, ang pasaway na dala­gang bibigyan ng leksyon tungkol sa paggalang sa mga kasambahay.

Oprah laglag sa No. 13 sa forbes, Madonna pinakamalaki ang kinita

Si Madonna ang may pinaka-malaking kita ngayon ayon sa Forbes. Umabot daw $125 million ang kinita nito last year.

Sunod ang director na si Steven Spielberg na may $100 million na kita.

“Madonna’s success, at age 55, just goes to show the incredible power of a successful music career,” sabi ng Forbes reporter na si Dorothy Pome­rantz.

At bumaba naman nang husto ang queen of talk show at media mogul na si Oprah Winfrey kung saan laglag siya sa No. 13 na meron lang $77 million na income.

At no. 3 na may $95 million ang author ng kina­baliwang 50 Shades of Grey na si E.L. James.

Pumatok ang nasabing libro ni E.L. James hanggang dito sa atin.

Boses ni Juris bumibenta sa Singapore

Namamayagpag pala ngayon sa Singapore ang platinum-selling at award-winning recording artist ng Star Records na si Juris. Patunay dito ang pagi­ging no. 1 kamakailan ng international album niyang Dreaming of You sa listahan ng top jazz albums sa HMV, ang sikat na record bar label sa Singapore. Naungusan ni Juris sa HMV jazz chart ang mgakila­lang Singaporean singer at maging ang international singer na si Norah Jones. 

 Mabenta rin ang album ng Soothing Voice of Asia sa Internet. Isa ang Dreaming Away sa top albums sa iTunes Thailand at isa sa featured albums sa iTunes Asia.

 Ang Dreaming of You album ni Juris ay mabibili na sa record bars nationwide sa halagang P350 lamang. Maaari na ring ma-download ang tracks nito sa iTunes, Amazon.com at MyMusicStore.com.ph.

 

 

 

 

 

 

 

 

BUKAS NA LANG KITA MAMAHALIN

DREAMING OF YOU

FILM FESTIVAL

GERALD ANDERSON

LIHIS

PELIKULANG

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with