Miss World Philippines nakisakay sa JAM

MANILA, Philippines - Ang JAM Liner, isa sa top bus companies sa bansa na nag-o-operate from Manila to Southern Luzon, ang naging official shuttle service ng mga kandidata sa katatapos lang na Miss World Philippines 2013 pageant.

Ang Miss World ang longest-running at biggest beauty pageant in the world dahil sa may 116 participating countries ito. Nagsimula sa London, England noong 1951, nakilala ang Miss World dahil sa kanilang advocacy slogan na “beauty with a purpose”, na siya rin namang misyon ng JAM Liner. Hindi lang kasi maganda ang mga bus nila kundi nakakatulong pa sa mga ordinaryong pasahero.

Ang operator ng JAM ay kinilala pa kamakailan ni Carmona Mayor Dahlia Loyola sa Ulat ng Bayan bilang isa sa top corporate citizens dahil sa emergency assistance na ibinibigay nito sa various indigent families sa panahon ng bagyo. Patunay lang ito sa kanilang motto na “JAMpacked sa serbisyo, JAMpacked sa saya.”

Samantala, nagpasalamat ang Miss World beauties sa pagdadala sa kanila ng JAM Liner sa kanilang charity visits sa Philippine General Hospital, workshops, and media appearances at paghatid sa kanila sa iba’t ibang tourist destinations sa Laguna ng safe and secure nung nakaraang pageant.

Show comments