May meeting bukas ang management ni MaÂrian Rivera para sa gagawin nitong soap sa GMA Network, Inc. at dalawa hanggang tatlong konsepto ang ipe-present. Hopefully, makapili ang team ng aktres sa concept na ipapakita sa kanila para makagaÂwa na siya ng soap bago matapos ang taon.
Ang tantiya ni Rams Davis, ang manager ni MaÂrian, by October o November ay baka may soap na uli si Marian. Excited na raw magtrabaho uli ang aktres kasi Temptation of Wife pa ang huling soap niya.
Habang wala pang soap, sa mga regional at show ng Kapuso Network sa ibang bansa nagpapaka-busy si Marian. Sa Sept. 24, aalis sila ni Rams for Dubai para sa Kapuso show at sa Sept. 28 na ang kanilang balik.
Inaabangan na rin ang showing ng Kung Fu DiÂvas movie nila ni AiAi delas Alas na sa October na ang showing. Kaya lang, maliban dito, wala pang ibang movie project si Marian. Bakit kaya?
Samantala, hinihintay na rin ang labas ng September issue ng Rogue magazine na cover sina MaÂrian, Angel Locsin, Anne Curtis, at Judy Ann Santos. Masaya ang pictorial ng lima under photoÂgrapher Marc Nicdao at dahil sa pictorial na ’yun ay nakapag-usap sina Angel at Marian at ngayon ay nagpa-follow-han na sila sa Instagram.
Thea walang paki sa nagkaka-crush kay Jeric
Sabi ni Thea Tolentino, next week pa ang labas niya sa Pyra, Babaeng Apoy at sa weekender ng launching soap niya ay sisilip sandali ang karakter niya. Kaya hindi mag-aabot ang Pyra sa Anna KaÂrenina na kasama rin siya pero mamamatay na yata ang karakter niya.
Kasama nina Thea at Jeric Gonzales sa Pyra si Zandra Summers na nali-link kay Jeric at sa mga tweet, hindi itinatagong type nito ang aktor. Narinig na pala ito ni Thea at okay lang daw dahil alam din ni Jeric na crush niya si Dennis Trillo at dream niyang makatrabaho ito.
‘Steven hindi pang-kanto’ – Direk Laurice
Kasama sa cast ng Akin Pa Rin ang Bukas si Steven Silva sa role ng kanto boy at pa-kanto boy na pagsasalita. Na-challenge na nga si Steven sa role niya, dagdag pressure sa kanya ang sinabi ni Direk Laurice Guillen na hindi siya bagay sa role na ibinigay sa kanya kaya kailangan niyang mag-double effort.
Sa tulong ni Direk Laurice, nagagawa naman ni Steven ang kanyang role at laging iniisip ang payo ng director na maging comfortable and do his best.
New experience sa kanya ang maging bahagi ng Akin Pa Rin ang Bukas na ibang-iba sa last show niyang Indio.