Starlet status ni Tom biglang na-elevate

Bagaman at ang performance ni Dennis Trillo sa My Husband’s Lover ang maituturing na pinaka-magaling sa acting department, ang mga co-stars niyang sina Carla Abellana at Tom Rodriguez ang kinuha ng Regal Films para magtambal sa isang romantic-comedy movie nito na pinamagatang Let’s Take a Chance. Naniniwala ang dalawa na ang pagpapareha nila sa pelikula ay isang offshoot ng kasikatan ng kanilang serye.

The movie elevates the starlet status of the former Kapamilya actor habang itinataas naman nito ng lebel ng magandang Kapuso actress.

Direk Maryo hindi naging problema ang pera sa Masters…

Bagama’t may mga umatras na direktor na hinamon ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na gumawa ng isang pelikula sa halagang P1.5M para sa  Sineng Pambansa National Film Festival All Masters Edition, walang ganitong problema ang drama director na si Maryo J. delos Reyes na nakagawa ng isang obra sa napakaliit na halaga na ipinagkaloob sa kanya.

Pinamagatang Bamboo Flowers, kinunan ang indie film sa hometown niyang Bohol na kahit dinadayo na ng mga turista at booming ang mga hotel ay wala pa ring Internet at malaking network.

Kumbinasyon ng mga baguhan at beteranong artista ang pinagsama sa pelikula — Orlando Sol, Max Collins, Ruru Madrid, Irma Adlawan, Mylene Dizon, Yogo Singh, Gina Antonio, Spanky Manikan, at Leandro Baldemor.

May tatlong istorya ang Bamboo Flowers, ’yung una ay para sa mga bata, ’yung second is for the teeners, ’yung ikatlo ay pang-adults. Sina Max at Orlando ay magdyowang gusto nang magpakasal pero wala pang kakayahang gumastos para rito. Pumasok ang isang mayamang dayuhan na nag-alok ng kasal. Si Mylene ay isang single mom, nahirapang mamuhay sa siyudad kasama ang anak. Kinailangang lumipat sila ng probinsiya at nahirapan sila sa adjustment.

Sa kabila ng napakalaking tagumpay na tinamo ng Magnifico, walang pressure na nadarama si Direk Maryo sa Bamboo Flowers na sigurado siyang magugustuhan din ng mga manonood kahit pa maliit lang ang budget nito.

GMA nakadiskubre ng mga baguhang kontrabida!

Ang GMA naman ngayon ang nag-eeksperimento para makatuklas ng mga bagong kontrabida. Matagumpay nilang nabago ang imahe ni Maxene Maga­lona na talaga namang kinaiinisan ng mga manonood sa kanyang role bilang Vicky at malupit na stepmom ng limang anak nina Rep. Lani Mercado at Raymond Bagatsing sa Mga Basang Sisiw. Sa matagumpay na pagbaling ng imahe ng anak ng Master Rapper, si Jaya naman ang inaasahang magpa­pagalit din ng mga manonood ng nakakaiyak na programa sa hapon.

Mula sa pagiging isang mabait na kumupkop sa mga bata, gagawa siya ng paraan para ang dalawang pinakamaliit ay hindi na mabalik sa kanilang pamil­ya. May moments na ibinibigay si Direk Ricky Davao para maging matagum­pay ang singer sa bago niyang role. Magampanan kaya niya?

Ganun din si Dion Ignacio na mula sa pagiging isang mabait na manliligaw ni Bianca King ay naging isang malupit na asawa sa Maghihintay Pa Rin. Talagang labanan ng mga baguhang kontrabida ang nagaganap sa Kapuso Network.

 

Show comments