May hinaing sa TV network ang ina ng isang kilalang batang aktres na nakapirma ng exclusive contract ang kanyang anak. May walong buwan na umanong walang bagong TV series ang young actress considering na ito’y isa sa mga build-up star ng home network. Kahit pa sabihing guaranteed contract ang young actress, ang regular exposure at pinagkakaabalahang serye ang kanyang gustong gawin.
Hindi naman totally walang proyekto ang aktres dahil meron siyang lingguhang programa pero nakukulangan siya sa trabahong ipinangako sa kanya ng TV network. Kaya minsan, hindi talaga masisi ang ibang artista na lumipat ng ibang istasyon kapag nag-expire ang kanilang kontrata.
Albie nega na naman
Lumalabas na naman ang pangalan ng young actor na si Albie Casiño, ex-boyfriend at ama ng lovechild ni Andi Eigenmann, dahil umamin ang kanyang ex-girlfriend at baguhang actress na si Dawn Jimenez na nagselos pala ito sa On the Job lead actor na si Gerald Anderson dahil sa mga steamy love scene na ginawa ng ex-GF sa pelikula laÂlo’t pumayag pang maghubad, na siya namang hiningi ng kanyang role.
Ayon sa panayam kay Dawn, binalaan siya ni Albie na hihiwalayan siya kapag tinanggap ang daÂring scenes sa pelikula pero mas pinaboran ng baguhang aktres ang kanyang trabaho bilang artista lalo’t nagsisimula pa lamang sila sa larangang ito. Sinubukan ni Albie na makipagbalikan sa kanya pero si Dawn na ang umayaw at tinuldukan na niya ang kanilang mahigit isang taon na relasyon.
Hindi nakatulong ang mga negative issue kay Albie kaya pati acting career niya ay nag-suffer.
Ber months papalapit na!
Ang bilis talaga ng panahon, Salve A. Sa susunod na linggo, Sept. 1, ay simula na ng “ber†months bilang senyales sa nalalapit na Pasko.
Sa totoo lang, ang Pilipinas lamang ang nataÂtaÂnging bansa sa buong mundo na may pinakamatagal na preparasyon ng Christmas season. Dati-rati’y buwan pa lamang ng Agosto ay nakakarinig na tayo sa radio ng mga Christmas songs pero dahil sa mga bagyo ay tila naurong ito.
Basta, simula sa Sept. 1 ay umpisa na ng Christmas countdown. How time flies!
Sarah hinihintay nang ma-in love kay Matteo
Loveless pa rin hanggang ngayon si Sarah GeÂronimo matapos maudlot ang namumuong love afÂfair na sana nila ni Gerald Anderson na masaya ngaÂyon sa piling ni Maja Salvador. Lumulutang ngaÂyon ang pangalan ng athlete/commercial model turned actor na si Matteo Guidicelli na vocal sa kanyang paghanga sa dalaga nina Delfin at Divine Geronimo.
Malayo pa ang Nov. 15 pero as early as now ay piÂnaghahandaan na ng Viva Entertainment ang nalalapit na 10th anniversary major concert ni Sarah na muling gaganapin sa Smart Araneta Coliseum na may pamagat na Perfect 10 na tinatayang pinakamalaki at pinakabonggang concert ng Pop Princess.
Gustung-gusto na ng followers ni Sarah na magkaroon na ito ng love life, that is, kung makakalusot ito sa screening committee, ang kanyang Mommy Divine at Daddy Delfin.
Makalusot kaya si Matteo?