^

PSN Showbiz

Pagiging most hated ni Marian ‘imbento’

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Natatawa ang fans ni Marian Rivera sa isang online story na no. 1 daw ang actress sa Most Hated People.

 Ang feeling ng fans paano nangyari ‘yun eh wala namang pinapatay na tao si Marian at lalong wala naman siyang mga kaaway.

Ang feeling nila isang malinaw na imbento ang kuwento. Hindi naman daw Janet Napoles ang pa­ngalan ni Marian. Wala naman daw itong ninakaw na pera ng bayan. So bakit daw naging most hated si Marian.

Hmmm, may punto nga naman. Kung meron mang kinamumuhian ngayon ang buong bayan maging sa social media, si Janet Napoles ‘yun. May malaki siyang dapat pagbayaran ‘di ba. So paano nga naman napasok si Marian?

Hahaha.

Well, a source said, na ang nagsulat daw ng item tungkol dito ay pino-protesta na dahil kadalasan ngang hindi totoo ang mga kuwento.

Ang sabi may petition laban sa nagsulat.

Oh oh.

Parehong naka-rate sa CEB OTJ at Instant Mommy magsasalpukan sa takilya

Magsasalpukan ngayong araw ang dalawang pelikulang Tagalog– ang OTJ at Instant Mommy.

Parehong maganda ang dalawang pelikula. Una ang OTJ na pinagbibidahan nina Joel Torre, Piolo Pascual, Gerald Anderson, Joey Marquez, Shaina Magdayao, at marami pang iba na isang action-thriller na dinirek ni Erik Matti for Star Cinema and Reality Films.

Nauna na itong na-appreciate sa Cannes Film Festival. Nabenta pa ito sa mga foreign produ kaya balitang ipalalabas ito sa Amerika at France.

Graded A ng Cinema Evalution Board ang OTJ.

Kakaiba ito sa mga action films na napanood ko na. Iba ang twist at un­expected ang ending.

Ang Instant Mommy naman ay pinagbibidahan nina Eugene Domingo at Yuki Matsuzaki na tungkol sa isang wardrobe assistant for TV commercial na may boyfriend na Japanese. Pero masalimuot ang kanilang relasyon.

Interesting ang kuwento at ibang-iba rito si Eugene. Ang payat na niya at may kissing and lovescenes sila ni Yuki.

Kung may chance kayong panoorin, ‘wag nin­yong pa­lampasin pareho.

Bibihira ang pagkakataong nagkakasabay na ang dalawang pelikulang Tagalog na parehong matino.

Graded B naman ng CEB ang Instant mommy ng Quantum Films with Kris Aquino as producer.

Nora best actress, Jericho, at Zanjoe nag-tie na best actor sa Gawad Tanglaw!

Inilabas na ang mga na­nalo sa kanilang Ika-11 Gawad TANGLAW kung saan magaganap bukas, Huwebes, 5:00 p.m. sa Fra Ange­lico Hall (New Gymnasium) ng Colegio de San Juan de Letran sa Calamba City, Laguna ang awarding ceremonies.

Pinili ang mga nanalo ng Gawad Tagapuring mga Aka­demisyan ng Aninong Guma­galaw (Gawad TANGLAW) Si­ning ng Pelikula.

Best Film (REquieme); Best Actress Nora Aunor (Thy Womb); Best Actors Jericho Rosales (Alagwa); Dingdong Dantes (One More Try); Best Supporting Actresses Sharmaine Buencamino (REquieme) at Ria Garcia (Melodrama Negra); Best Supporting Actors Allen Dizon (Migrante) at Zanjoe Marudo (One More Try); Best Director Loy Arcenas (REquieme); Best Screenplay Jun Robles Lana (Bwakaw); Best Editing ` (Kamera Obskura); Best Cinematography Albert Banson (Kalayaan)

Natatanging Gawad Tanglaw ng Pelikulang Pilipino na si Eddie Garcia; Presidential Jury Award for Film kay Boots Anson-Roa; Natatanging Guro ng AB Communication Congresswoman Sol Aragones; Gawad Tanglaw Lifetime Achievement Award for Film para sa Star Cinema; Special Jury Prize for Film para sa Manenaya at Migrante; at ang Students’ Choice Award for Best Film para sa The Animals

 

ANG INSTANT MOMMY

ANINONG GUMA

BEST

BEST ACTORS JERICHO ROSALES

BEST FILM

INSTANT MOMMY

JANET NAPOLES

ONE MORE TRY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with