Ang daming sightings kina JC de Vera at LJ Reyes at minsan ay reporters pa ang nakakakita sa kanila, kaya hindi sila makakapag-deny. Tila favorite ng dalawa ang Tomas Morato area sa Quezon City dahil twice na silang naispatan doon.
Una silang nakita sa branch ng Posh Nails at muling nakita sa isang tea house. Sa isa sa two locations, nakatanghod pa raw si JC kay LJ pero biglang tumayo nang makita ang reporter. Hahaha!
Nakita ring magkasama sina JC at LJ sa isang despedida party yata ‘yun at nagulat pa nang makitang may invited press sa party. A few days ago, sa Twitter, may nag-tweet na nakita niya ang dalawa. Hindi lang sinabi kung saan.
Religious musical ni Boyet rock ang tugtog
“Mahal†lang ang sinabi ni Christopher de Leon nang tanungin kung magkano ang magagastos niya sa pagpo-produce ng musical play na Lorenzo under his Green Wings Entertainment Network. Kaya ito ang napili niyang name ng production outfit niya dahil sa angel na si KaÂmaÂmiel na may green wings.
Batay sa life story ni San Lorenzo Ruiz ang Lorenzo at sa kuwento ni Boyet, kaya nagkaroon ng Oasis of Love Charismatic Community dahil sa first Filipino saint. Kinuha raw siya to play the saint sa gagawin sanang pelikula at kasama sa requirement ay mag-attend siya ng retreat. Gusto nilang i-share ang natutunan sa retreat at dito nagsimula ang first batch ng members ng Oasis.
Curious kami dahil rock ang music ng musical play — from hard rock to mellow rock — na compositions ni Prof. Ryan CaÂyabÂyab. Books and lyrics by Juan Ekis, Paul Dumol and Joem Antonio and directed by Nonon Padilla na kuwento ni Boyet, director din niya sa Godspell.
Direk Maryo sinuportahan ng P100K ni Dingdong para sa indie film
Third year na pala ang Sineng Pambansa National Film Festival All-Masters Edition pero sa presscon lang ng Bamboo Flowers na mula sa direction ni Maryo J. Delos Reyes lang nalaman. Bale ba, nakansela pa ang AVP (audio-visual presentation) shoot ng 12 participating directors and they will talk about their respective movies.
Mabuti na lang at ipina-presscon ni Direk ang kanyang pelikula na may kasamang shoÂwing ng trailer kaya may idea ang press kung paano tatakbo ang pelikula.
Sa presscon, pinasalamatan ni Direk MarÂyo ang cast ng movie dahil honararium lang ang kanyang naibigay, hindi taÂlent fee. Thankful din ito sa napakaraming sponsors na tumulong.
Kasama rin sa pinasalamatan ni Direk MarÂÂyo si Dingdong Dantes na nagbigay sa kanya ng P100,000 check at siyang ginamit niya sa presscon. Napaka-generous daw ni Dingdong na nakatraÂbaho niya sa soap na Pahiram ng Sandali.
Sa Sept. 8 ang premiere ng movie sa Cinema 7 ng SM Megamall at showing from Sept. 11-17. May red carpet premiere ito sa Tagbilaran, Bohol sa Oct. 26.