Joel nangangarap magpaka-transgender

Sa dinami-dami ng role na nagampanan na ni Joel Torre (Oro, Plata, Mata) ni Peque Gallaga, Gumising Ka Maruja/Lino Brocka, Anak kasama si Vilma Santos, I Love You Mama, I Love You Papa with Nora Aunor, Batang West Side/Luv Diaz, Bayaning Third World/Mike de Leon, Amigo/John Sayles, at Beerhouse/Jon Red na siya rin ang nag-produce, Unfaithful Wife, at ito ngang On the Job (OTJ) na nanalo siyang best actor sa PiFan Awards sa South Korea, nangangarap itong makahanap ng role ng isang transgender.

“It will prove challenging although my first work on stage was a can-can dancer in a school play,” anang aktor who finds his young co-actors dedicated, disciplined at alam ang kanilang ginagawa. “Nakalulungkot lang na ‘di tulad namin noon na mas maraming material na napagpipilian para gampanan, sila ngayon ay limitado at kung ano ang ibigay sa kanila ’yun na lang ang gagawin nila.”

Masuwerte si Joel na mayro’n siyang pitong branches ng JT’s Manukan na nagsisilbing fallback niya kung matumal ang trabaho. Ito rin ang nagbibigay ng lakas ng loob sa kanya para makapamili siya ng roles.

Like the role of Tatang in OTJ. Tatlong taon nang nasa kanya ang script at hindi na uso ang action movie pero hinawakan niya ito dahil it was a pretty good role and story, about the dark side of Manila.

Ipalalabas pa lamang ang On the Job sa Miyerkules, Aug. 28, pero nag-premiere na ito sa Cannes, France.

Jake at Joem itotodo ang hindi magawa nina Dennis at Tom

Kapag pumatok ang indie film na Lihis na may maiinit na love scenes sina Jake Cuenca at Joem Bascon malamang magkaro’n na talaga ng trend ng ganitong uri ng panoorin. Ang Lihis ay tungkol sa pag-iibigan ng dalawang may magkaparehong kasarian.

Sinimulan ito sa TV ng My Husband’s Lover na hindi man maitodo ang mga eksena nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez na kinaaabangan lalo ng nga beki, malamang matanggal ang pagkauhaw ng mga manonood nina Jake at Joem na nilargahan ng direktor na si Joel Lamangan ang love scenes. Kasali ang Lihis sa Sineng Pambansa All Masters Edition. May special screening ito sa SM The Block sa Sept. 8.

Show comments